Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, ipinagtanggol si Zambales Cong. Khonghun

IPINAHAYAG ng premyadong aktres na si Aiko Melendez ang pagkadesmaya sa  klase ng politika ng mga katunggali ni Zambales Representative Jeffrey Khonghun.

Sa aming pakikipag-chat kay Ms. Aiko, nala­man namin na hindi rin pala ligtas sa kabastusan ng mga katunggali sa politika ang ama ni Zambales vice-gubernatorial candidate na si Jay Khonghun. Si Mayor Jay ay kasintahan ni Ms. Aiko.

Pahayag sa amin ni Ms. Aiko, “Tinitira po siya ng kalaban, also kamag-anak ng kalaban namin po.”

Dagdag ng award-winning actress sa mga ginagawang kabulastugan ng kalaban ni Cong. Jeffrey, “Ipinagkakalat ng mga kalaban ang kung ano-ano na pictures po e… pero nag-iikot po siya kasama namin. Pero ang sinasabi (ng mga kalaban), nakakulong na raw po. Pero sa totoo lang, ang dami niya pong events na iniikutan.

“Marami po silang ipinagkakalat na hindi totoo, as in binababoy na po pati ang pagkatao, kawawa naman po Cong. Jeffrey. Kasi matanda na po si Cong. Jeffrey, pero kung bastusin nila, ay grabe po.”

Pero kahit below the belt ang mga pamba­bastos at paninira kay Cong. Jeffrey, hindi raw ito pumapatol sa mga ipinupukol na propaganda at kasinungalingan sa kanya. ”Nakangiti lang po si Cong. Jeffrey, kasi babae po ang kalaban at ‘di raw po siya pumapatol sa babae, dahil dapat inirerespeto ang babae po,” aniya pa.

Base naman sa mga post ni Ms. Aiko sa social media, walang epekto at hindi naniniwala ang mga taga-Zambales sa paninira sa mag-amang Khonghun. Dahil kahit saan magpunta ang Team Khonghun, dinudumog sila ng mga taga-Zambales at mainit ang pagtanggap nila rito. Patunay kung gaano kamahal ng mga kababayan nila sa Zambales ang mga Khonghun.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …