Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Halik” ayaw bitiwan ng televiewers

MAS matindi at mas palaban ang magiging tapatan nina Lino (Jericho Rosales), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby) ngayong pagdaraanan nila ang pinaka­matitinik na hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam sa huling dalawang linggo ng “Halik.”

Patuloy ngang panggigilan ng mga manonood ang mga kaganapan tuwing gabi dahil sa kasamaan nina Ace at Jade, na parehong gagawin ang lahat para makatakas mula sa batas at mailayo si baby CJ mula kay Lino. Ang pagmamahal naman sa anak ang gagamiting sandata ni Lino para mabawi si baby CJ, at makakatulong niya rito si Jacky, na patuloy ding ibibigay ang suporta niya hanggang sa huli.

Ngunit buhay ang maaaring maging kapalit ng kanilang tapatan dahil parehong malalagay sa bingit ng kamatayan sina Jade at Jacky, na dahilan naman para magbago ang daang tatahakin ni Lino para makuha ang hustisyang inaasam. Pero sa kabila ng mga buhay na posibleng mawala, ipag­pa­patuloy pa rin ni Ace ang kasakiman at sisi­guraduhing makaganti kay Lino gamit sina Jade, Jacky at anak nitong si CJ.

Sino nga kaya ang magwawagi sa laban nila? Kanino nga kaya nila ibibigay ang kanilang huling halik? Samantala, maituturing ngang isa sa pinakapinag-usapang serye ng 2018 ang “Halik.”

Halos gabi-gabi itong trending sa social media at laman ng iba’t ibang memes dahil na rin sa mga nakaiinis at nakatutuwang eksena. Kinapitan din ang serye dahil sa mga aral na ipinakita sa televiewers. Kinabiliban si Lino dahil sa kanyang dedikasyong gawin ang tama at maging ama para sa kanyang anak. Nagpakita ng katapangan si Jacky at pinatunayang kaya rin ng mga babaeng ipaglaban ang kanilang sarili.

Bagama’t masama sa tingin ng iba, si Jade naman ay isang huwarang ina na handang isakripisyo ang sarili para sa kanyang anak. Ang buhay naman ni Ace ang patunay na may kapalit ang lahat ng kasakiman at mas maiging gumawa ng kabutihan para makuha ang tunay na kaliga­yahan. Marami rin kabahayan ang nanggigigil sa kuwento nito kaya patuloy ang pangunguna sa national TV ratings mula nang umere noong Agosto 2018.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …