Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andre Yllana, ikinakampanya ang kandidatura ng BF ng inang si Aiko

PATI si Andre Yllana ay ini-endorse ang kandi­datura ni Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun sa pagka-bise gobernador ng probinsiya. Patunay kung gaano ka-close ang panganay ni Aiko Melendez sa kanyang tito Jay.

Sa post ni Aiko sa Facebook noong nakaraang April 8, kuwento niya, “Andre Yllana campaigning for his tito Jay Khonghun and Gov Jun Ebdane, that’s how close they are. So genuine. Walang pilitan kusa ni Andre to endorse him for Vice Governor. Dedma kami sa mga nega! Tuloy ang laban wala nang atrasan. Laban para sa Zambaleño.”

Naging close sina Andre at Mayor Jay dahil mga anak daw ang turing nito sa kanila ng kapatid na si Marthena Jickain. Bago naman siya lili­pad papuntang Ame­rika, mag­sosolo raw ng house to house cam­paigning si Andre sa ilang lugar sa Zam­bales upang tumulong sa pagpapaalam sa mga tagaroon sa plataporma at hangarin ng kanyang Tito Jay sa lalawigan. Si Andre ay 20 anyos na, legal age na at botante na rin, hindi nga lang doon pero ikinagalak daw niyang maglaan ng oras para sa boyfriend ng ina.

Samantala, ikinatuwa ni Aiko na naging positibo ang resulta ng kanyang Facebook live na isa-isa niyang binanatan ang kalaban ni Mayor Jay. Mas lalo pa siyang nakakuha ng simpatiya mula sa mga taga-Zambales dahil nailahad niya kung gaano karumi maglaro sa politika ang kanilang kalaban.

Mensahe ng award-winning actress sa lahat, “Iniisa-isa ko lahat ng mga mensahe ninyo ‘di ko man kayo masagot lahat, but I really appreciate the love, con­cern. Ang dami-dami pala nagma­mahal sa akin. I must have done something good to be this love. I know I can’t please every­one, and I also know that I am not perfect.

“I myself have my own shares of imperfections. But I can say I have a good heart. Especially for the people who values me.

“I exert effort too in any kind of relationship. Whether be it friendship or kahit ano. Mababaw na tao lang din ako kaso masama akong magalit pero ‘di masama ang ugali ko. Kaya nakaka-hurt when people judge you as if they know you too well. Pati ‘yung mga tao kung makabato ng putik parang napakasama ko nang tao. May isang tao sabi masama raw ugali ko, siyempre nasaktan ako sobra. Pero pag ‘yung mga tao na mismo na kahit ‘di ko kilala o nakilala ko briefly ang nakikipagl­aban para sa akin, gusto ko maluha sa tuwa kasi buti pa sila na-appreciate ako.

“Subukan din ninyo akong kilalanin nang mas malalim masarap ako magmahal. Selfless sometimes to a fault but no regrets basta mapasaya ko lang mga tao. Sana lang pagka­tapos ng lahat ng ito mapa­tunayan ko sa sarili ko at sa mga tao na tama ang mga naging decision ko. Salamat dn sa mga kaibigan ko ‘di ko na kayo iisa-isahin kilala n’yo kng sino kayo kasi halos araw-araw ‘di mo pinag­sasawaan icheck kng ok ako. You know who you are thank you!”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …