ISANG mahusay na aktres na nabigyan ng break na magbida sa TV series na The Greatest Love at isang hard working, charming, at maabilidad na CEO ang nag-tandem two years ago, at ang resulta — ang pagiging matagumpay at patuloy na paglago ng BeauteDerm.
Pumirmang muli ng kontrata si Ms. Sylvia bilang Face of BeauteDerm kasama ang BeauteDerm CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan last April 4 sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato.
Masaya ang Kapamilya aktres sa kanilang partnership ng BeauteDerm. “Happy at kontento ako sa BeauteDerm at ipinagmamalaki ko ang BeauteDerm kasi talagang ginagamit ko ang mga produkto nila especially ang day cream at night cream pati ang BeauteDerm soap and makikita n’yo naman ang resulta,” aniya.
Wika a ni Ms. Sylvia, “Kahit 47 na ako, nakatutuwa kapag may nagsasabi na mukha akong bata kaysa edad ko, blooming at fresh pa raw dahil sa BeauteDerm. Masasabi ko na natulungan ako ng BeauteDerm at natulungan ko rin sila. Iyon ang mahalaga e, nagkakatulungan kami. Kaya thank you sa BeauteDerm, kay Rei-Rei, kay Sam, at sa family nila kasi pamilya na rin ang turingan namin.”
Si Sylvia ay isa sa mga pinaka-accomplished na aktres ngayon na ang career ay higit tatlong dekada na. Lumabas sa mahigit 50 mainstream films na iba’t iba ang genre at ang latest na Jesusa ay nanalo siyang Best Actress sa 5th Sinag Maynila at OFW, The Movie na naiibang pagganap ang matutunghayan sa kanya. Sa telebisyon, lumabas siya sa higit 40 serye at drama anthologies hanggang sa breakthrough role niya bilang si Teresita sa series na Be Careful With My Heart, na nagdala naman sa kanya sa unang lead role as Gloria sa The Greatest Love.
Ayon naman kay Ms. Rhea, deserving si Ms. Sylvia na ipagpatuloy ang pagiging endorser dahil malaki ang naitulong ng magaling na aktres para mas makilala pa at mas lumaki pa ang BeauteDerm. “She made the family bigger, kaya I’m very grateful. From 20 branches two years ago noong una namin siyang ini-launch as Face of BeauteDerm, now we have 60 branches all over the Philippines plus one in Singapore and we are growing because of Ate Sylvia,” aniya.
Esplika pa ng lady boss ng BeauteDerm, “Ang endorser kasi ng isang brand, para mas makilala at iyon ang na-appreciate ko kay Ate Sylvia, hindi lang iyong nandoon sa kontrata ang ginagawa niya para sa BeauteDerm. She’s a very effective endorser. Looking forward kami na makatrabaho siya sa mga darating na buwan lalo na ngayon na ipagdiriwang na namin ang aming ika-10 anibersaryo.”
Itinatag ang Beautederm noong 2009 ni Ms. Rhea, kinakatawan nito ang prinsipyo niya na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa sarili at dahil dito’y mas magiging malusog ang isang tao at makapagpapamalas ng kagandahan hindi lang sa panlabas na kaanyuan ngunit sa kabuuan ng kanyang pagkatao na rin.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio