Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton Start, itinanghal na most promising young male host

ISANG karangalan para kay Klinton Start ang tanghaling Most Promising Young Male Host sa katatapos na 39th Consumers Choice Awards para sa youth-oriented show nilang Bee Happy Go Lucky na napapanood sa IBC 13 tuwing Sabado, 4:30-6:00 pm.

Sobrang happy ng guwa­pong bagets na astig sa dance floor sa kanyang award. “Una sa lahat, thank you kay God, kasi Siya iyong nagbigay sa akin ng talent kung ano man mayroon ako,” sambit niya.

Paano niya nalaman na ma­ru­nong pala si­yang mag-host?

“Noong una po talaga, so­brang kabado po, kasi first time kong magho-host. Ang ginagawa ko lang po kasi lagi ay singing and dancing, ‘di ba? So noong time na ibinigay sa akin ang hosting, grabe, sobang kinabahan po ako. Iyon po, noong isinalang ako noong una, halatang kabado po talaga ako. Pero noong tumagal na po, nasasanay na po ako, nawala na ‘yung kaba,” nakangiting saad ni Klinton.

Bukod sa pagho-host, nasubukan na rin ni Klinton ang umarte. Nakagawa na siya ng short film titled Norzagaray na pinagbidahan ng kapwa niya SMAC talents na sina Matteo San Juan at Justine Lee.

“Gumanap po ako roon bi­lang batang Justin Lee. At ang pagka­kaa­lam ko po, ipapa­labas ‘yun sa mga schools,” pakli niya.

Gaano siya kasaya sa takbo ng kanyang career? “Sobrang happy po talaga, kasi itong mga nakaraang taon po, nakikita ko talaga ‘yung growth. Noong una, nagso-show lang ako sa mall, modeling… tapos ngayon po, grabe, nakikita na ako sa TV! So parang, ilang taon lang po ‘yon, two years pa lang po ako sa showbiz at sobrang bilis na po niyon para sa akin,” sabi pa ni Klinton.

Given a chance, sino ang gusto niyang makatrabaho sa isang teleserye o pelikula? “Si Nadine Lustre po, kasi matagal ko na po siyang crush at magaling po siyang umarte,” nakangiting tugon pa ni Klinton.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …