Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Eleksiyon hindi pa natatapos, House speakership pinag-aagawan na?!

WALANG magtatangkang saklutin ang karderong puno ng kanin hangga’t hindi pa nakararating sa kusina, lalo na kung hindi man lang nakaaakyat pa sa hagdanan.

‘Yan ang kasabihan ng matatanda ukol sa paghahangad ng mga probetsong nakalaan lang doon sa mga taong, sabi nga ‘e ‘malalapit sa kusina.’

Ang tinutukoy po natin ‘e ‘yung paghahangad ng mga politikong malalapit sa Duterte administration na masungkit ang House Speakership para sa 18th Congress.

Huwag na tayong lumayo, unang-una na riyan ang tumatakbong congressman sa isang distrito ng Taguig City na si Alan Peter Cayetano. Siyempre, isa ‘yan sa mga target ni Cayetano.

Nariyan rin ang kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung magwawagi si Marinduque reelectionist congressman Lord Allan Velasco ay puwedeng mapagpilian bilang House Speaker.

Habang ang tumatakbong si Davao del Norte 2nd District representative Antonio “Tonyboy” Floirendo ay tahasang sinabi na gusto niyang maging House Speaker upang mapagkaisa ang buong Kamara para maging matibay ang suporta kay Pangulong Duterte.

‘Yan ‘yung sinasabi naman na hindi pa nababasag ang itlog, e nabilang na ang sisiw.

Wattafak!

Talagang kung magsalita sila ‘e walang kagatol-gatol at siguradong-sigurado na sila’y magwawagi sa kanilang mga laban.

Kunsabagay, sino ba ang magsasabing malalaglag sa kangkungan ang mga politikong kabilang sa mga sumuporta kay Tatay Digong noong siya’y tumatakbo noong 2016?!

Hindi ba’t may kanya-kanyag puwesto na sila?!

E ngayon pa na House Speakership ang pinag-uusapan. Tiyak na hindi papayag ang admi­nis­trasyon na hindi kaalyado ng Palasyo ang mau­kupo.

Parang Makati lang ‘yan ‘e. Maglaban-laban na tayo huwag lang makapasok ang hindi mga kaalyado.

Hay, Filipinas kong mahal!

         

STERLING INSURANCE
SA BPLO PINAGPAHINGA,
PERO 60% ‘TARA’
TULOY PA RIN

MAY bagong gimik pala ang Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ng dalawang lungsod sa Metro Manila.

Para wala raw ebidensiya, pinagpahinga ang Sterling insurance pero ang ‘tara’ na 60% tuloy-tuloy pa rin.

Ibig sabihin, walang system na ginagamit pero lahat ng issuance, sinisingil pa rin ng 60%.

Otherwise, hindi maipo-process ang business permit ng applicant/s.

Bagong estilo ‘di ba?!

Pero nandoon pa rin 60% ‘tara.’

Ang alam natin, iniimbestigahan na ‘yan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ‘di ba, Secretary Eduardo Año?!

Sana ay mabusisi nang husto ni Secretary Año kung kanino talaga napupunta ‘yang 60% na ‘yan.

Pakibalitaan po kami Secretary Año kung ano na ang ‘development’ sa investigation.

Salamat po nang marami!    

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *