Friday , November 22 2024

Wakas na nga ba ng political career ni ER Ejercito?

SINENTENSIYAHAN na ng anim hanggang walong taong pagkakakulong ang aktor na pumasok sa politika na si dating Laguna governor ER Ejercito matapos mapatunayang “guilty” sa illegal insurance deal na kanyang inaprobahan nang siya ay mayor pa ng Pagsanjan noong 2008.

Si Ejercito ay hinatulan ng Sandiganbayan Fourth Division sa kasong paglabag sa Section 3(e) Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may kasamang parusang perpetual disqualification sa public office.

Pero hindi nag-iisa si ER a.k.a. George Estregan Jr., kasama sa nasentensiyahan sina dating councilors Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti at Gener Dimaranan, gayondin ang private respondent na si Marilyn Bruel.

Ang kaso ay nag-ugat sa isang insurance deal na pinasok ng Pagsanjan municipal government sa First Rapids Care Ventures (FRCV).

Ang nasabing deal ay  “accident protection and financial assistance” para sa mga turista at kalipikadong bangkero na nagyayaot sa ruta ng Pagsanjan Gorge Tourist Zone.

Pero, base sa mga imbestigasyon wala raw public bidding, at ang kontrata ay ipinagkaloob sa FRCV kahit walang lisensiya o sertipikasyon mula sa Insurance Commission para sa insurance business.

Sa totoo lang, nangyari na rin ito dati kay ER, ‘yun naman ay overspending sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) pero nalusutan niya.

Kaya ang tanong, ngayong muli siyang tumatakbong gobernador ng Laguna, malusutan niya kayang  muli ang hatol ng Sandiganbayan?!

Aba, kapag nangyari ‘yan, masasabi nating napakapalad ni ER.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *