Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi, kinainggitan ng ibang artista

MALUNGKOT si Rep. Vilma Santos na hindi na nahintay ng kanyang ina ang darating na election na kandidata pa rin siya sa pagka-kongresista.

Yumao ang kanyang ina, si Mommy Milagros Santos sa edad na 93. Hindi alam ni Ate Vi na maraming kapwa artista ang nainggit sa kanya. Can you imagine nga naman, umabot sa edad na 93 ang Mama niya gayung ang iba, bata pa ay wala ng inang nagmamahal.

At least naiparamdam ni Ate Vi ang buong pagmamahal sa ina.

May throwback memory nga kami kay Mommy Mila noong nag-produce ng movie na lagi siyang nasa office sa Escolta at kapiling ang mga press. Punong abala noon si Tita Cleo Cruz, unang nag-handle ng publicities ni Vi.

Si Mommy din ang punong abala sa amin at nakikipag-usap para i-promote ang ginagawa nilang pelikula.

Maine, ayaw sa politika

MAY nagbiro kay Maine Mendoza kung type rin ba niyang pasukin ang politika. Pareho kasing naging governor sa Bulakan ang mga uncle at tita niya, sina Gov. Josie dela Cruz at Jonjon Mendoza.

Ngayon running for vice governor na ang Tito Jonjon niya. Si Maine, mas pinili ang showbiz dahil dito siya maligaya.

Rey Malonzo, bumulaga sa Ang Probinsyano

MARAMI ang nagulat noong bumulaga sa TV screen ang dating Caloocan City mayor at provincial superstar noon na si Rey Malonzo sa FPJ’s Ang Probinsyano nang madakip ang mga Vendetta.

Kasabay ni Coco Martin si Rey na humarap at kumausap sa Pangulo ng Pilipinas na si Rowell Santiago, ang nawala/namatay na pangulo.

Malakas pa rin ang dating ni Rey sa mga tagahanga. Marami ang natuwa dahil matagal na nilang hindi nakikita si Rey. Malaking pangalan din sa action movie si Rey kaya nagbubunyi ang mga dati niyang tagahanga.

***

BIRTHDAY greetings to April born—Tirso Cruz III, Vilma Valera, Danita Paner, Geneva Cruz, leo Lazaro, Escolta Boys Dalizay Almazar, JulieAnn Betita of Magallanes Hotel, Tagaytay City, at Snooky.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …