Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, may nakatatawang pakiusap sa Dos — ‘wag munang kunin sa Darna

MULING tinanggihan ni Angel Locsin na gumawa ng pelikulang Darna. Bukod sa kanyang problema sa spinal column, sinabi na rin naman ni Angel na sa palagay niya tapos na para sa kanya ang gumanap ng mga super hero roles. Huwag na ninyo siyang kulitin.

May mga nangungulit nga kasi kay Angel, dahil sa TV gumagawa na siya ng action. Baka naman sakaling magagawa na niya iyong Darna. Eh kaso ayaw na nga niya.

Pero talagang tawang-tawa kami roon sa post niyong si Alex Gonzaga, na makikiusap siya sa ABS-CBN na huwag muna siyang kukuning Darna. As if kukunin siya. Sa lahat ng joke na narinig namin kay Alex, diyan lang kami natawa nang husto.

Si Lea Salonga naman, kahit na noong araw, hindi iyan nag-ambisyon na maging Darna, pero ang sinasabi niya palagay niya mas maganda kung ang role ay maibibigay sa isang baguhan. Sinabi rin niya na sana mukhang Pinay naman ang makuha, hindi iyong mga Tisay na mukhang Kano. Tutal, madadala naman ng popularidad ng character at ng kuwento kung sino man ang baguhang kukunin nila para sa role. Ang punto ni Lea, huwag na iyang mga dating beauty title holder na nag-aambisyon pa. Huwag na rin iyong mga gustong makakawala sa isang love team ang kunin nila. Humanap na ng bagong talent, may na-build up pa.

Pero kagaya nga ng nasabi na namin, kung kami lang ang tatanungin walang ibang makagagawa ng Darna sa ngayon, walang babagay maliban nga kina Angel at Liza Soberano, pero pareho na ngang hindi puwede.

Baka naman kunin na lang nila si Ate Gay, na nag-post pa sa social media na naka-costume na siya ng Darna at tumatakbo sa kalye.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …