Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, pumalag sa kalaban ng BF na si Mayor Jay

HINDI na pinalagpas ng award-winning actress na si Aiko Melendez ang below-the-belt na paninira ng kalaban ng kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun, na tumatakbo bilang bise gobernador ng Zambales.

Kung noon daw ay nagpapasensiya si Aiko sa mga banat sa kanya, kamakailan ay pumalag na ang aktres. Sa pamamagitan ng Viber, pati raw ang kanyang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain ay hindi pinatawad ng kalaban.

Sambit ni Aiko, “Sana huwag naman nilang idamay ang mga anak ko. Kung ano-ano na nga ang paninira nila sa akin, kahit hindi naman ako ang kandidato rito. Ang dumi nilang maglaro sa politika, ayaw nilang idaan ang laban sa plataporma at mga serbisyong nais nilang maihatid sa probinsiya ng Zambales.”

Sa isang Facebook (FB) post, sinabi ng aktres na, “Hindi mo mapipigilan ang taong lumapit sa amin. Dahil sila mismo, nakikita ang pagkakaiba ng may plataporma sa pawang paninira lang. Salamat sa suporta para kay Vice Governor Jay Khonghun #1. Pagpasensiyahan na lang po natin ang katung­gali ni Jay sa kanilang paninira. Baka ho ganoon na sila kadesperado. Ipagdasal na lang natin sila. Basta kami tuloy-tuloy lang ang trabaho… #yan ang totoong good vibes.”

Hindi raw niya inaasahang ganito pala kainit ang mangyayaring kampanya nila sa Zambales. Pero, ikinatuwa ng Kapamilya aktres na lagi silang dinudumog ng mga tao sa kanilang campaign sorties.

Pahayag ni Aiko, “Ang akala ko noong una, simpleng kampanyahan… magsasalita, ipaparating sa tao ang nais gawin ni @jaykhonghun. Mali pala ako, dahil dito pati pala ako kasama sa paninira ng kalaban. Nandiyan na may sakit ako sa balat para ‘di makalapit sa akin ang mga tao na tanging kaligayahan ay maakap at makita ako. Pero mas lalo akong inakap ng mga taga-Zambales, daig pa sa tunay na tagarito.

“Masakit man tanggapin ang katotohanan pero nararanasan n’yo rin ba ang higpit at tamis ng yakap nila? Malamang hindi, dahil kung ano-anong paninira ang ginagawa mo po para ibagsak kami ni @jaykhonghun pero sa ginagawa mo, mas lalo kaming minamahal ng mga tao. Pasensya na po kayo kahit anong sira ninyo sa amin ni Jay, di kami magpapadala at di mo kami mapag­hihiwalay,” resbak ni Aiko sa politikong naninira sa kanya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …