MALAKI ang potensiyal na maging hit ang single ng newbie recording artist na si Ianna dela Torre na pinamagatang Pinapa. Mapapakinggan na ang single ni Ianna ngayong April. Sa June 19 naman, ilalabas ang kanyang debut album.
Inusisa namin si Ianna ukol sa kanyang single. Paliwanag niya, “Ang Pinapa po ay composed by David Dimaguila (Himig Handog 2014 2nd Best Song for Halik sa Hangin and Himig Handog 2016 3rd Best Song for Laban Pa).
“Ang ‘Pinapa’ po ay upbeat na song, magandang song po ito sa pagpasok ng summer. Ang meaning po ng Pinapa sa song ay, pinapatawad, at pinapasaya. Sobrang positive po ng song, ito po ay about sa love sa family and friends.”
Binubuo ng 10 tracks ang debut album ni Ianna at pawang mga sikat na kompositor ang gumawa ng mga kanta niya. Kabilang dito sina Maestro Ryan Cayabyab (revival of OPM classic Kailan), Jonathan Manalo (Always You), Rox Santos (LOVE is Spelled Y-O-U), Agat Morallos (Kahit sa Panaginip), Odette Quesada (To Love Again). David Foster (cover of Through the Fire), Joel Mendoza (Wala Kang Kapalit, Alam Kong Nandyan Ka, Ang Sabi Mo), at ang carrier single na Pinapa.
Impressive ang credentials ng 17-year old na dalagita, kabilang dito ang paglabas sa dalawang TV commercials nang siya ay 5 years old pa lamang. Noong July 2013, nanalo si Ianna ng Junior Grand Champion Performer and Champion Vocalist of the World sa WCOPA 2013 na ginanap sa California, USA.
Laman siya ng ABS-CBN Star Magic Acting Workshop mula noong 2011 at nakatapos ng Advanced Acting Workshop Level 2 last October 2018. Nakalabas na siya sa Kapamilya shows tulad ng Wansapanataym and 100 Days to Heaven. GMA’s Daldalita at Magpakailanman at TV5’s Enchanted Garden, at Third Eye.
Nabanggit din niya na si Sarah Geronimo ang idol niya at wish sundan ang yapak nito.
“Si Sarah Geronimo po ay idol ko sa pagkanta, sa pagsayaw at sa pag-arte. Napanood ko na po siya nang live at masasabi ko po na siya ay total performer. At kapag pinapanood ko po ang ibang interviews niya, masasabi ko po na siya ay mabait at mapagmahal sa kanyang fans. Kung ako po ay mabibigyan ng pagkakataon sa future na maka-duet ang isang Sarah Geronimo, nalaking karangalan po sa akin, dahil siya ang idol ko po and inspirasyon ko po sa pagkanta,” wika pa ni Ianna na Grade 10 student sa Angelicum College.
Samantala, pinasalamatan ni Ianna via her FB account ang mga tumulong sa kanya para matupad ang dream niya. “Finally! Thank you Lord for everything! Contract Signing at Star Music PH. Thank you to all the bosses of Star Music: Sir Roxy Liquigan, Sir Jonathan Manalo, Sir Rox Santos, Atty. Marivic Benedicto for this opportunity and to everyone at Star Music for welcoming me to your family! Thank you po Tito Joel Mendoza!”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio