NAGNGITNGITNGIT ang isang negosyanteng pinagpagawaan ng mga campaign materials noon ng aktor na ito na tumatakbo na naman para sa isang local elective post. Hanggang ngayon kasi’y hindi pa siya nababayaran sa pagkakautang nito.
“Juice ko, ang kapal ng fezlak ng lolo mo na tumakbo uli, eh, may utang pa nga siyang dapat bayaran sa akin, ‘no!” himutok ng supplier ng mga campaign paraphernalia tulad ng poster, flyer at kung anik-anik pa.
Nagtataka tuloy ito kung sino raw ang bagong supplier ng aktor, ”I’m sure, may nabola na naman siya para makautang ng kailangan niya ngayong malapit nang magsimula ang kampanya sa national level.”
May pagkasigurista raw kasi ang aktor, na kung “Luz Valdez” nga naman siya ay ano ang ibabayad niya? Mabuti raw sana kung “Winnie Monsod” siya, kaso waley.
Da who ang aktor na itey na noong nakaraang botohan ay nag-ambisyon ng national position at ngayon ay sa local level Na lang? Itago na lang natin siya sa alyas na Manny Duran.
(Ronnie Carrasco III)