NOONG nakaraang linggo, isang biglaang ‘raid’ na naman ang isinagawa ng Bureau of Immigration sa sarili niyang detention diyan sa Warden’s Facility sa Bicutan.
Bunsod daw ito ng balitang kumalat sa social media na isang online casino ang pinapatakbo mismo sa loob ng detention at sangkot ang foreign detainees!
Grabe na ito!
Kasamang sumalakay ng BI-Intelligence Division ang PNP Special Action Force sa naturang raid.
Kompirmado ang mga nakuhang computer paraphernalia, cellphone gadgets at hindi mabilang na halaga ng pera!
Wattafak!?
Ayon sa kumalat sa social media, umaabot sa P250,000 ang pusta ng mga mananaya sa online gaming sa loob mismo ng kulungan!
Isa sa mga ikinagulat ng raiding team ang nakuhang mga ‘casino chips’ sa mismong drawer daw ng opisina ng warden doon.
Pakengsheet!
Agad daw itinanggi ng kasalukuyang warden ng BI-WF ang kanyang ‘knowledge’ sa pagkakaroon ng casino sa loob.
Natural!!!
Sino kayang o-gag ang aamin sa ganyan!?
Talagang iisa ang likaw ng bituka ng mga nagpapatakbo sa mga kulungan. Gaya rin ng mga nasa city jails o sa Bureau of Corrections sa Munti ay pareho lang ang kalakaran.
Noon pa man ay plano ni former SOJ Vitaliano Aguirre ang magpalagay ng CCTV camera sa loob mismo ng detention ng mga bilanggo. Dangan nga lamang ay hindi ito nag-materialize dahil nawala na rin sa DOJ si Aguirre.
Well, sino ba talaga ang nagmamay-ari ng mga casino chips na ‘yan at kung bakit mayroong ganyan sa Warden’s Facility?
Naglakad ba ang mga casino chips patungo sa drawer?
Any explanation to do, BI Warden Oliver Dato??
Comm. Jaime Morente, wala ka na ba talagang makukuhang matinong warden diyan sa BI detention cell?
Unsolicited suggestion lang po, puwede mong ilagay diyan si Mr. Den Binsol?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap