Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chess

Cena, Lu magkasalo sa liderato (Bacolod chess tourney)

BACOLOD CITY—Napa­natili nina Neil Vincent Cena ng Bacolod City at Johnmari Josef Lu ng Zamboanga City ang pag­salo sa liderato sa pagpa­patuloy ng 2019 National Youth and Schools Chess Championships-Visayas leg na ginanap  sa 4th floor Metro Lobby, Ayala Malls Capitol Central, Bacolod City nitong weekend.

Giniba ni Cena si Karl Patrick Bardinas ng San Enrique, Negros Occi­dental matapos ang 54 moves ng Queens Pawn Game habang angat naman si Lu  kay Tyrone Dale Yao ng Bacolod City matapos ang 42 moves ng Slav defense.

Kapwa sila nakalikom ng tig 3.0 points mula sa tatlong panalo sa Under 15 mixed (boys and girls) division sa two-day National Chess Federation of the Philippines sanc­tioned tournament na magkatuwang na inor­ganisa nina Ernie at Stella Mar Abanco ng Abanco Realty.

Una dito ay kinai­langan munang talunin ni Cena sina Eon Luyeth Ciocon at Karl Albert Alvaran ng Bacolod City habang pinadapa naman ni Lu sina Mizpah Funda­dor ng Dumaguete City at Erich Singson ng La Castellana, Negros Occi­dental.

Nagpakitang-gilas din si Checy Aliena Telesforo ng Iloilo matapos maki­pag­hatian ng puntos  kay Lawrence Anthony Para­dela ng Cebu matapos ang 60 moves ng English Opening para mahawakan ang solo third spot na may 2.5 points.

Sa pahayag kahapon ni Tournament Director International Arbiter/National Master Wilfredo Neri na ang pagdaos ng  National Executive Chess Championships-Bacolod City Qualifying leg ay tuloy na tuloy na sa pagsambulat ngayong  Linggo dito sa Ayala Mall Capitol Central, Gatuslao Street, Bacolod City, Negros Occidental.

Kabilang sa mga naunang nagpatala ay sina seven-times Philippine Executive grand prix champion, Dr. Jenny Mayor, Dr. Alfred Paez, Atty. Cliburn Anthony Orbe, MVP Olympics PLDT Team Manager Martin “Binky” Gaticales, banker Emmanuel Asi, Eric Abanco, Adelaide Joie Lim, Theseus Benitez, Engr. Annie Montales, Engr.Alex Aquio, Engr. John Manual, Atty. Alex Abastillas at Atty. Victor Tanoso. (Marlon Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …