Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, nilagyan ng bagong timpla ang Isang Linggong Pag-Ibig ni Imelda Papin

SI Imelda Papin pala mismo ang pumili kay LA Santos para i-revive ang kanyang classic hit song na Isang Linggong Pag-ibig. Ipinahayag ito ng tinaguriang Jukebox Queen sa ginanap na presscon/contract signing sa Papa Kim’s Tomas Morato last Tuesday, March 26.

Ayon kay Imelda, “Ang totoo, napakarami nang lumalapit para i-revive ang kanta, but I wasn’t giving in. Not until I learned that LA is doing it. Umpisa pa lang na marinig ko ang version niya, sinabi kong siya na talaga at wala nang iba pang nararapat mag-revive nito!”

Kasama nina Imelda at LA sa contract signing sina Roxy Liquigan ng Star Music, Atty. Marivic Benedictos at Jonathan Manalo.

Very thankful naman si LA kay Imelda sa ibinigay na opportunity sa kanya. “Siyempre po, sobrang thank you po na ibinigay sa akin po ang kantang ito kasi dati ko pa po siyang kinakanta noong hindi pa po kami nagkakakilala ni Tita Mel (Imelda).

“Pinaka-first time kong narinig ‘yung song sa radio po habang nagluluto lang si mommy… Parang nag-stuck lang sa isip ko at sa pagkanta ko,” nakatawang sambit ni LA.

Sa naturang presscon, ipinarinig ang version ni LA at napabilib kami dahil mula sa sentimental version ni Imelda, nabigyan ito ng kakaibang flavor ni LA. Kumbaga, naging millennial ang genre nito na bagay na bagay para sa isang lalaking singer.

Umaasa kami na eto na talaga ang hinihintay na break ni LA. Kasi’y saksi kami mismo sa talent ng guwapitong bagets, mula sa paglabas niya as guest sa mga kilalang international singers tulad ng Air Supply, The Stylistics, Halo, at Patti Austin, plus sa sarili niyang concert, hanggang sa MTV niya at paggawa ng pelikula, dedicated at talagang talented si LA.

Nang makahuntahan nga namin si LA, sinabihan namin siya na eto na ang hinihintay niyang break para magmarka sa music industry and I’m sure proud na proud ang mommy niyang si Ms. Flor Brioso Santos dahil sa galing at sa ganda ng version ni LA ng  Isang Linggong Pag-ibig.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …