FRESH sa kanyang successful stint sa Miss Saigon, ang singer/actor na si Gerald Santos ang pinakabagong endorser ng iSkin aesthetic lifestyle. Last Tuesday ay pumirma siya ng kontrata rito, kasama ang manager niyang si Doc Rommel Ramilo at ang president at CEO ng iSkin na si Ms. Kate Pagkalinawan.
Ipinahayag ni Gerald ang kagalakan sa pagiging member niya ng iSkin family. “I’m really proud and I’m really happy to be part of the iSkin family. I trust them with my skin care and sa aking aesthetic lifestyle. I’m very excited to start na ‘yung aking treatments and ‘yung pag-aalaga nila sa akin here sa iSkin,”
Nabanggit din niya na nag-background check sila nang ini-offer sa kanya na maging brand ambassador ng iSkin. ”Yes, we checked,” saad niya, “And we are really glad to be part of iSkin family, because we saw na it’s really a high-end brand. And ‘yun nga, sabi ni Mam Kate, if they got me because of my Miss Saigon stint, we trusted them because we know that we will be taken cared off. Plus, ‘yung quality of their services will be in tiptop level for us, as well.”
Ano ang kanyang nakita kay Gerald at kinuha niya bilang brand ambassador ng iSkin? ”Kasi siyempre, siya ang lead actor sa Miss Saigon, ‘di ba? I think January pa lang na-propose na siya. We have a brand manager who proposed or give me… nire-research po lahat ng profile ng bawat ambassadors namin, to be sure. Because they will represent our brand,” sambit ni Ms. Kate na idinagdag pang makakatulong sa image nila na kilala si Gerald bilang international performer dahil sa Miss Saigon.
Samantala, narito naman ang ilang papuri na ibinigay kay Gerald sa Miss Saigon bilang si Thuy. “Gerald Santos is powerful and at times a ta terrifying a Thuy!” – Charlotte Ann, Theatres.com. Sabi naman ni Glenn Meads ng Miss Saigon Review at the Palace Theater, “Gerald Santos as Thuy, representing the old meets the new, has genuine stage presence, and gives a performance which is far more than mere filler.
“Santos is brilliantly dominant and totally believable in this difficult role,” papuri ni Phil Lowe ng East, Midlands Theatre.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio