Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, naluha, super proud kay Arjo (May-ari ng BeauteDerm,  sinuportahan ang Bagman)

NAIYAK sa tuwa si Sylvia Sanchez pagkatapos ng special screening sa Trinoma Cinema 6 ng Bagman, ang iWant original series na pinagbibidahan ng anak niyang si Arjo Atayde.

Super proud nga si Sylvia kay Arjo, na umani ng maraming papuri dahil sa pagganap niya bilang barberong si Benjo na naging bagman ng isang politiko.

“First starring role niya ito. Ang daming ipinagkatiwala sa kanya ng ABS na roles, kahit ‘yung outside ABS grabe ‘yung tiwala sa kanya. Pero itong ‘Bagman,’ iba! Sobrang nakaka-proud, sobrang thank you Lord na lang ang nasasabi ko,” sabi ni Sylvia.

Habang pinanonood niya ang Bagman, nakikita niya pa ba si Arjo sa character na ginagampanan nito? “Hindi ko siya nakikitang anak ko. Kasi si Arjo napaka-sweet niya eh in person, napaka-respectful niyang bata, at honestly sa bahay talaga sinasabi ko bata pa sila hanggang ngayon, walang ibang pwedeng magmura sa bahay. ‘Pag may nagmumura, ako lang. So, bawal sa kanila. Kahit ‘yung ibang salita s- -t o ano, hindi talaga nila binibitawan dahil alam nilang aalma ako. Pero rito (sa Bagman) grabe puro mura niya. Nasabi ko, ‘Wow!’ Iba talaga!”

Bukod sa galing umarte ni Arjo, bumilib din ba siya sa anak sa pagganap ng ganito ka-challenging na character? “Ang galing ng character and pagkabuo ni Bagman, ni Benjo. Na-portray ni Arjo nang mabuti. Hindi dahil anak ko, pero kayo na ang humusga. Ayokong sabihin dahil anak ko inaangat ko. Pero talagang na-proud ako kay Arjo rito.”

Ang 12-part series na Bagman ay isinulat at idinirehe ni Shugo Praico. Nagsimula nang mapanood ang unang anim na episodes nito sa iWant nitong Miyerkoles, Marso 20. Tatlong episodes naman ang sunod na mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes sa Abril 3.

Created by Lino Cayetano, Philip King, at Praico, ang Bagman ay produced by Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

May-ari ng BeauteDerm,  sinuportahan ang Bagman

SINUPORTAHAN ng buo niyang angkan si Arjo Atayde bukod pa sa maraming personalidad sa showbiz industry maging mga bossing ng ABS-CBN, Star Cinema, Dreamscape, at Star Magic team ang special screening ng Bagman. Siyempre dumalo rin at sumuporta si Rhea Anicoche Tan, ang CEO at owner ng BeauteDerm na ineendoso nina Arjo at Sylvia Sanchez. Kasama niya ang mabait niyang staff na si Mylene Timbol.

Mahigpit na nagyakap sina Rhea at Arjo nang magkasama pagkatapos ng screening. Nakunan pa nga namin sila ng picture together.

Puno naman ng papuri at pagmamalaki sa kanyang social media posts si Ms. Rhea para kay Arjo, na ambassador ng BeauteDerm perfume line na The Origin Series.

Ayon sa Facebook post ni Ms. Rhea, “In the end, only a good actor stands out!  Congra­tulations Nak Juan Carlos Campo Atayde! You really brought your character to life in BagMan. Napakagaling mo! #myBestActor

“To All — Bravo, Bravo You pulled off a spectacular series. everyone else in the cast did a top-notch job also . I felt I was right with the actors! Hats off to the whole team !”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …