Monday , December 23 2024

RSM Lutong Bahay sa Tagaytay walang konsiderasyon sa kalusugan ng clientele

ANG ganda pa naman ng pangalan ng isang restaurant sa Tagaytay City — Lutong Bahay — pero walang konsiderasyon sa kalusugan ng kanilang mga customer.

Gaya ng karanasan ng isang nagrereklamong customer na mayroong health condition.

Dahil bihira nga ang mga restaurant na nagsisilbi ng brown rice naging aral na sa nasabing customer na magbaon ng lutong brown rice, lalo na kung alam niyang aabutin siya ng meal time sa labas.

At naisipan nga niyang pumasok sa RSM Lutong Bahay, insiip niya kasi na healthy ang kanilang isinisilbing mga pagkain.

Pero nang makita niyang walang brown rice sa kanilang menu, ipinakuha niya ang baon niyang brown rice. Pero nagulat ang customer nang pagbawalan siyang kainin ang baon niyang brown rice.

Wattafak!

Ngayon lang tayo nakarinig nang ganitong restaurant.

Ang alam natin sa ganitong cases, puwedeng mag-produce ang restaurant, pero kung wala talaga, puwede na nilang payagan ang mga ganitong kaso lalo na kung personal consump­tion lang naman ang dala ng customer.

O kaya naman, bilang restaurant na nag-o-offer ng mga pagkaing lutong bahay na lutuing Pinoy, hindi ba’t dapat na mayroon silang brown rice?! Lalo na  kung may health condition ang kanilang customer.

Kaya grabeng nadesmaya ang nagrere­klamong customer lalo nang ayaw humarap ang kanilang manager.

Tsk tsk tsk…

Hindi kaya alam ng mga taga-RSM Lutong Bahay na kaya kumakain ang isang tao ay para maging malusog at masiyahan at magkaroon ng feeling of satisfaction? Hindi kaya alam ng RSM Lutong Bahay na masyadong naka-i-stress kapag hindi nakain ng isang customer ang inaasahan niya sa isang restaurant?!

Sana kung hindi ito kayang ibigay ng RSM, tanggalin na nila ‘yung Lutong Bahay sa kanilang pangalan.

Kunsumisyon lang kasi ang ibinibigay nila sa customer.

Naalala ko tuloy ‘yung isang kabulabog natin na umorder ng kape sa isang casual dining restaurant. Hot coffee ang inorder niya pero ang dumating sa kanya kapeng malamig pa sa nguso ng pusa. Kaya ang ginawa niya tinawag niya ang waiter, sabay sabing:

“Pakipalitan nga itong kapeng ibinigay ninyo. ‘Yang kape ninyo malamig pa sa nguso ng pusa, ulo ko lang ang uminit.”

See, RSM?!

You should know that customer is always right.  And that’s not arrogance.  Customer’s rights po ‘yan.

Next time, please be kind to your clientele, they’re the source of your income.

Paging RSM management!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *