WAGI ang actress na si Nadine Lustre mula sa Film Desk of the Young Critics Circle (YCC) ngayong taon bilang Best Performer sa mahusay nitong pagganap bilang si Joanne sa pelikulang Never Not Love You, katambal si James Reid at mula sa mahusay na direksiyon ni Antoinette Jadaone under Viva Films.
Tinalo ni Nadine ang tatlo sa pinakamahusay na actress sa bansa na sina Ms. Perla Bautista sa Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, Celeste Legaspi sa Mamang, Ina Raymundo sa Kuya Wes, at Pokwang sa Oda sa Wala.
Ilan pa sa winners ng YCC ang mga sumusunod—Best Film: Sa Palad ng Dantaong Kulang, directed and produced by Jewel Maranan; Best Screenplay: Masla A Papanok (Gutierrez Mangansakan II); Best Editing: Call Her Ganda (Victoria Chalk); Best Cinematography and Visual Design: Sa Palad ng Dantaong Kulang (cinematography: Jewel Maranan); Best Sound and Aural Orchestration: Never Not Love You (music: Len Calvo; sound design: Jason Conanan, Kat Salinas and Mikko Quizon); Best First Feature: Mamang (Denise O’Hara); Mamu, And a Mother Too (Rod Singh); Ang Pangarap Kong Holdap (Marius Talampas).
Nominado rin si Nadine sa FAMAS para sa kategoryang Best Actress para sa pelikula ring Never Not Love You.
Showing pa rin ang kanyang pelikulang Ulan with Carlo Aquino, Marco Gumabao, at AJ Muhlach.
(JOHN FONTANILLA)