Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell at Alex, nagsanib-puwersa

IGINIIT kapwa nina Arnell Ignacio at Alex Gonzaga na hindi sila nagkamali sa pagpili para suportahan ang Juan Movement partylist sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Parehong miyembro ang dalawa ng Juan Movement noon pa man dahil sa makatotohanang advocacies na nakatuon sa pagiging tunay na Filipino at pagmamahal sa bayan.

Para kay Alex mahalaga ang pamilya at nakita niya ito na pangunahing ipinaglalaban ng sinusuportahang partylist. Kung bawat Filipino nga naman ang matututong mahalin ang ating kultura at ibalik ang mga nakaligtaang mga kagawian sa halip na yakapin ang makabagong dayuhang kultura, malaking pagbabago ang mangyayari hindi lamang sa bayan kundi pati na rin sa ating mga sarili.

Sinabi naman ni Arnell na nakita at naramdaman niya na seryoso ang Juan Movement para tiyakin ang pagbabago na walang halong politika. Wala na sa government service ang host-comedian pero inamin niya na namulat siya sa napakaraming kakulangan ng mga Filipino sa pagmamahal sa bayan.

Abala ngayon ang dalawa sa kanilang mga showbiz career pero hindi sila nawawalan ng panahon na ipaalam sa kanilang masugid na followers at mga kaibigan ang kahalagahan ng tamang pagpili pagdating ng May elections.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …