Sunday , January 12 2025

Marlo Mortel at Benjamin Alves, Hugot Boys ng Mercator

BINIRO namin sina Marlo Mortel at Benjamin Alves na bagay silang bansagan bilang Hugot Boys ng Mercator. Kapwa may pinagdaraanan kasi ang dalawa, si Marlo, after pumanaw ng mahal niyang ina ay ang lolo naman niya ang sumakabilang buhay kamakailan. Si Benjamin naman ay naging biglaan ang pagyao ng ama late last year matapos atakehin sa puso.

Nagkaroon ng presscon para sa dalawa dahil sa promo ng album ni Marlo na Serye at sa visual poetry naman ni Benjamin. Kapwa talent ng Mercator Artist and Model Management ni Jonas Gaffud sina Marlo at Benjamin.

Marami na palang nagawang visual poetry si Benjamin at ang pinakauna ay may titulong Mga Nais Kong Sabihin Ngunit Di Ko Nasabi. “Ginawa ko (siya) para sa nanay ko. She’s still going through difficult times, pero sana nga nakatulong sa kanya. Kung sino man ang nakapanood ng visual poetry, sana nakatulong din po sa kanila,” sambit ni Benjamin na napapanood sa GMA-7 TV series na Sahaya.

Parang inisip daw ni Benjamin na sa kanyang visual poetry ay naging boses siya ng namaya­pang ama para maghatid ng mensahe sa kanyang ina. “Ipinaalam ko muna po sa mommy ko bago ko gawin, mukha namang naiyak siya. Sabi niya ay parang Daddy ko ang nagsasalita at iyon na lang po ang mahalaga sa akin.”

Si Marlo naman ay idinaraan na lang sa tra­baho ang mga hindi ma­gagandang pinagdaraanan sa buhay. Bukod sa Umagang Kay Ganda at mga live show/performances, nakatutok si Marlo sa kanyang album.

“Iyong album ko, aim namin ay mag-viral ang music video ko, ang title nito ay Habang Ako’y Mag-isa at kasama ko sa video si Claire Ruiz. Gusto kong ma-reach niya ‘yung level of success na deserve niya. Kasi, talagang pinag­hirapan ko iyan. Talagang sariling experiences ko ang mga iyan,” wika ng singer/actor.

Ang Serye album ni Marlo ay may seven songs na lahat ay siya mismo ang nagsulat. Ito ay naglalaman ng personal experiences niya about love at bukod sa Ha­bang Ako’y Mag-isa, kabilang sa mga kanta rito ang Sana Ikaw Na NgaUnang BesesPa’no Na AkoI’m Movin OnLisanin, at I Pray.

Nang usi­sain kung game bang mag-collaborate para pagsamahin ang kanilang talento, pareho namang positive ang naging tugon nina Marlo at Benja­min.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *