Monday , December 23 2024

Goldenage health spa sa Aseana, Macapagal Ave., nanggigitata nga ba?

NAGULAT tayo sa isang inirereklamong health spa ng isang kabulabog natin.

Ito ‘yung Goldenage Health Spa riyan sa Aseana, sa Macapagal Blvd., Parañaque City.

Ayon sa ating kabulabog, naeengganyo silang pumasok sa Goldenage dahil mukhang kaaya-aya namang tingnan sa labas.

Kumbaga, conducive naman bilang isang health spa. At kapag tiningnan naman ang kanilang reception, mukhang malinis at maayos.

Pero maling akala pala.

Heto na, as usual siyempre bago sumalang sa massage spa magsa-shower muna, mag-i-steam or puwedeng maglunoy sa hot or warm pool na mas madalas ay puwedeng maraming kasama rito.

Hindi raw nagtagal ‘yung kabulabog natin sa warm or hot pool kasi masyadong matapang ang amoy ng chlorine sa tubig at parang nakaramdam siya ng pangangati.

Bukod diyan, medyo hindi niya nagustuhan ang nakasabay sa pool na ilang Chinese nationals na dahak nang dahak, nangungulangot at kung ano-ano pang unsanitary gestures na pinagga­gawa.

Kunsabagay, hindi naman masasaway ng management ‘yun, pero at least puwede nilang pagsabihan bago lumusong sa warm/hot pool na iwasan ang mga unsanitary gestures or actions.

Nakaka-yuckie naman talaga ‘di ba?!

Hindi rin komportable ang kabulabog natin, dahil hindi siya mapalagay sa medyo kaduda-duda at kakaibang kilos ng ilang Chinese nationals.

Heto na, pag-ahon no’ng kabulabog natin, ‘yan na, nag-umpisa na ang kanyang pangangati. At tuwing magkakamot siya, nagkakaroon ng mamula-mulang bakas ang kanyang skin. Tapos nag-dry pa nang husto kinabukasan.

Kaya ‘yung inaasam-asam ng kabulabog nating makapag-relax-relax sa Goldenage Health Spa, prehuwisyo ang inabot niya.

Hindi naman kasi makakaramdam ng kati ‘yung kabulabog natin kung hindi nanggigitata o sobra sa chlorine ‘yung tubig.

Iniisip din niya na ‘yung sabon o shampoo na ginamit ay puwedeng pagmulan ng kati.

O puwede rin ‘yung towels o bed sheets na ginagamit sa kanilang massage bed.

In short, may problema talaga sa sanitation ang Goldenage Health Spa.

Duda tuloy tayo na hindi nila naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng “health.”

Kaya nanawagan po tayo sa Parañaque City Health Office na kung maaari ay paki-check ang Goldenage para malaman natin kung iso­lated case lang ba ang naranasan ng kabulabog natin o talagang may kapabayaan sa sani­dad?!

Aabangan po namin kung ano ang mangya­yari sa gagawin ninyong inspeksiyon.

 

PARUSANG MABIGAT
SA MGA VANDALIZER

Panahon na para ‘yung mga nagba-vandalize ng mga pader, gusali at iba pang impraestruktura sa pamamagitan ng pagsusulat gamit ang ‘paintspray’ ay dapat gamitan ng kamay na bakal.

Si Digong lang makakalutas nito, walang iba. Pangit at marumi na nga ang mga lansangan, higit pa nilang pinapa2ngit. Ang ‘pangit’ ng ugali nila!  

LIZA A. SANTOS
+639974302 – – – –

 

WALWALAN
AT LAKLAKAN
SA INTRAMUROS
UNIVERSITY
BELT

KA Jerry, isa po akong vendor dto sa Intramuros. Totoo po ang isinulat n’yong mga inuman dto malapit sa Letran. Mga batang naka-uniporme pa ang suki nila umiinom hanggang umaga. Pati babaeng estudyante ay ibinubugaw sa mga seaman na umiinom dto. May timbre sa PCP kaya hindi cla ginagalaw. Sana ipasara na ni Mayor Erap ang mga inuman bar na ‘yan.

+639087718 – – – -SS

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *