Friday , November 22 2024

Lifestyle check sa 2 hepe ng BPLO isusulong ng PCGG

KAHIT ipinasa na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) Commissioner Greco Belgica ang reklamo hinggil sa umiiral na ‘tara’ policy sa dalawang business permits and licensing office (BPLO) sa Metro Manila, hindi pa rin sila ligtas  sa lifestyle check.

Usap-usapan ngayon sa business grapevine ang matinding ‘tara’ policy na ang pangunahing nasisila ay mga negosyanteng tapat na sumusunod sa umiiral na batas.

At ‘yang mga negosyanteng masunurin sa umiiral na batas, sila ‘yung mga inis na inis sa sistemang itinatakda ng BPLO na ang lahat ng magre-renew ng kanilang business permit ay kailangan munang kumuha ng Comprehensive General Liability (CGL) insurance.

Okey naman sana, pero ang isa pang nakapagtataka, bakit kailangan na ang insurance company na kukuhaan nila ng CGL ay kailangang i-authenticate ng dalawang pribadong insurance company?! Bakit hindi ang Insurance Commission ang mag-authenticate?

At ‘yan din ang dahilan kung bakit nakarating sa PCGG at sa DILG ang reklamong ‘yan.

Kung hindi tayo nagkakamali, iniimbesti­gahan na umano ng DILG ang nasabing ‘tara’ policy sa BPLO ng dalawang lungsod sa Metro Manila.

‘Tara’ policy ang tawag dito dahil sa kabuuang ibinabayad ng isang kliyente, 40% lamang ang naka-resibo at ang 60% umano ang ‘pumapasok’ sa kabang-bulsa ng mga nasa ‘itaas.’

Tsk tsk tsk…

Hindi lang po P50 milyones ang pinag-uusapan natin dito.               

Sana naman ay mabalitaan natin kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng DILG. Naumpi­sahan na kaya ang imbestigasyon, Secretary Eduardo Año?!

Pero sabi nga ni Commissioner Greco Belgica, puwede pa nilang ipa-lifestyle check ang hehe ng BPLO ng dalawang lungsod sa Metro Manila.

Kaya naman bilib tayo kay Commissioner Greco, seryoso sa kanyang trabaho.

Aabangan po namin ang resulta ng lifestyle check ninyo sa dalawang BPLO chief, Commis­sioner Greco.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *