Monday , December 23 2024

Pero dapat pa rin kabahan sa dalawang butcher ‘este Butches

SABI nga, mahirap talaga kapag mantsado na ang tiwala.

Kaya naman maraming opisyal ang kinakabahan kapag nagtagumpay umano ang plano ng dalawang ‘Butcher’ ‘este Butch na mula sa PSC at Philippine Olympic Committee (POC) ay i-takeover ang PHISGOC tulad ng napapabalita ngayon. 

Ang sabi, sa tinutukoy na dalawang Butcher ‘este Butch na sina William “Butch” Ramirez ng PSC at si dating congressman Prospero “Butch” Pichay” ng POC, ay mahirap umanong ipagkati­wala dahil masyado pa silang busy sa pagtatanggol sa kanilang mga sarili sa kinasasangkutang kasong graft  sa Office of the Ombudsman at Sandigan­bayan.

Hindi rin naman lingid sa lahat na si Pichay nga ay ipinepetisyon ng kanyang kalaban sa politika na ma-disqualify sa pagtakbo ngayong eleksiyon dahil may resolusyon na ang Ombudsman na guilty siya sa kasong grave misconduct dahil sa ilegal na paggamit ng P780 milyong pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) nang siya ang chairman nito para mabili ang Express Savings Bank noong 2009. 

Umakyat na sa Sandiganbayan ang kasong ito ni Pichay. Bukod pa riyan, may isinampa pang dalawang kasong kriminal ang Ombuds­man laban kay Pichay matapos ang resulta ng imbestigasyon  na nagpapatunay na maanomalya ang paggamit ni Pichay sa pondo ng LWUA  noong 2010.

Ayon sa Ombudsman, hindi dapat ginamit ni Pichay ang P1.5 milyong pondo ng LWUA para mag-sponsor ng isang chess tournament na nakapangalan pa sa kanya. 

Ang isa pang Butch na si Ramirez ay napata­wan naman  ng 90 days suspension ng Sandigan­bayan noong nakaraang taon dahil sa kasong graft. Nasampahan si Ramirez ng kasong graft dahil sa pagkuha ng serbisyo ng mga security guard na walang approval ng PSC board at walang public bidding.  

Kung ang dalawang ‘Butcher’ ‘este Butch ang may kontrol sa PHISGOC at sa pondo nito, makakampante ba ang sambayanang Filipino?

Bukod sa hindi buo ang tiwala sa paggamit ng pera ng PHISGOC, nakahihiya rin na ang nakapronta at humaharap sa private sponsors at maging sa international community ay mga taong may mga kaso sa Ombudsman at Sandigan­­­bayan.

Lalo pa nga’t sinabi ni Cayetano na kailangan makakuha ng dagdag na suporta mula sa private sectors dahil binabaan ng Kongreso mula P7.5 bilyon ay naging P5 bilyon  ang pondong nakalaan para sa SEA Games.

Dapat ay may global stature at kagalang-galang  tulad ni Cayetano na dating foreign affairs secretary ang haharap sa mga sponsors mula sa international community para makom­binsi silang tumulong, at hindi ‘yung may bahid ang integridad.

Ito na ang pagkakataon natin para makabawi sa nakadedesmayang performance natin sa mga nakaraang SEA Games.

Sabi nga ng mga tunay na sportsman, “‘Yan ang hirap e, pati sports gusto pang pagkaka­kitaan?”

Wattafak!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *