Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Myles Andaya, produ ng pelikulang tatampukan ni Alessandra De Rossi

SUMABAK na rin sa pagiging movie producer si Ms Myles Andaya. Malapit na nilang simulan ang pelikulang Intercedente na tatampukan ni Alessandra de Rossi.

Nagustuhan daw niya ang script nito nang makahuntahan ang direktor nitong si Jill Singson Urdaneta. Ang pelikula ay ukol sa matinding pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na 16 year old na nagkaroon ng HIV.

“Tinanong ko si Direk Jill kung ano iyong material niya, nalaman ko na about HIV, about sa nanay, about sa love, hope at nang nabasa ko iyong script, I fell in love with the script. Kaya nang inialok sa akin, sabi ko, ‘Sige, go.’ Kasi naniniwala ako sa material and at the same time, magagaling ang artista natin,” saad ni Ms. Myles.

Bilib daw siya sa bida nilang si Ales­sandra, napakagaling na artista raw ni Alex at bukod sa pagiging award winning actress nito, hindi basta-basta tumatang­gap ng project ang aktres.

Excited na raw si Ms. Myles sa project dahil hindi ito typical na istorya at may mapupulot na aral ang mga makapapanood nito. “Lalo na ngayon, very timely ito dahil ang mga nabibiktima ngayon ng HIV ay mga kabataan at tumataas ang kaso ng mga may HIV dito sa ating bansa, e,” aniya.

Tuloy-tuloy na ba ang pagiging movie producer niya? “Yes, tuloy-tuloy na itong pagpo-produce namin. Basta ang importante muna ay magawa naming maganda itong project na ito. Marami kaming plano para sa movie na ito, ilalaban namin ito sa mga filmfest sa ibang bansa, at saka international screening din,” wika ni Ms Myles.

Bukod kay Alessandra, kabituin din dito sina Dexter Doria, Teri Onor, Mailes Kanapi, Kiko Matos, Kokoy de Santos, Renshi de Guzman, at introducing si Lorenzo Santiago.

Ito ay prodyus ng Myles Entertainment in association with Cinema Bravo. For more information, visit Cinema Bravo’s official Facebook page.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …