Thursday , December 26 2024
30th Southeast Asian Games SEAG
30th Southeast Asian Games SEAG

Handler ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) dapat may integridad

BAGO matapos ang 2019 muling magho-host ang Filipinas ng Southeast Asian Games na tatampukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansang kasapi sa ASEAN.

Isang mahalagang salik o factor nito ay pagkakaisa at pagkakasundo nang lahat para matiyak ang tagumpay ng bansa sa paghahanda para sa malaking sports event na ito.

Pero iba ang pumuputok na bulungan sa grapevine. Imbes pagkakaisa at pagkakasundo, tila ba nagkakagulo umano ang iba’t ibang kampo?!

Tsk tsk tsk…

Kawawa naman ang mga atleta at higit sa lahat ang reputasyon ng ating bansa.

Nakahihiya mang sabihin pero gusto nating tanungin, totoo bang ‘pitsa’ na naman ang dahilan?!

At hindi barya-baryang pitsa kundi bilyon-bilyong pitsa.   Kaya raw inaakusahan ngayon nang walang basehan ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC)?!

May mga kampo raw kasi na hindi sanay sa palakad ng PHISGOC sa pamumuno ni dating Senator at dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano dahil  may pagka-estrikto sa paggamit ng P5 bilyong pondo  na nakalaan ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa paghahanda sa SEA Games. 

E ano ba ang dapat ipagtaka? Mahigpit talaga ang PHISGOC sa paghawak at paggamit ng pondo dahil kilala si Cayetano bilang graft buster nang siya ang mamuno noon sa Blue Ribbon Committee ng Senado. 

Ito ang komite na nag-iimbestiga ng mga anomalya sa paggamit ng pondo ng gobyerno kaya’t hindi puwedeng malusutan si Cayetano pagdating  sa pagiging estrikto sa paggamit ng pera ng pamahalaan. 

Wala namang problema sa preparasyon para sa SEA Games dahil tuloy-tuloy at six percent ahead of schedule pa nga ang paghahanda para sa mga lugar na pagdarausan ng mga palaro.

Ang problema ang badyet, dahil hanggang ngayon ay hindi pa naipapadala ng Kongreso ang 2019 national budget bill sa Malacañang. Pero hindi naman gaanong nababahala si Cayetano dahil lahat ng ahensiya ng pamahalaan, hanggang sa Office of the President, ay tumutulong sa preparasyon para sa SEA Games. 

Kaya hindi tayo dapat kabahan na ang PHISGOC ang nagbabantay sa pondo at nangu­nguna sa preparasyon  para sa SEA Games. 

Aprub tayo riyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *