IPINAHAYAG ni John Estrada na hanga siya sa tapang ng pinaslang na mayor ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili dahil walang takot sa kanyang paglaban sa droga sa kanyang bayan. Ginampanan ni John ang papel ni Mayor Halili sa pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story na ipalalabas sa mga sinehan sa May 22, 2019.
Si Mayor Halili ay pinaslang noong July 2, 2018 sa flag-raising ceremony sa mismong harap ng munisipyo ng Tanauan. Kabilang sa higlights ng pelikula ang mapapanood na actual footage, pati na ang pagbaril ng sniper sa mayor.
Maraming pumuri sa husay ni John sa pelikulang ito. Pinaghandaan daw talaga ni John ang papel niya rito bilang alkalde ng nasabing bayan. “Pinanood ko iyong mga interview sa kanya, iyong mannerism niya, iyong buhok niya, pati iyong hilig niya sa pagkanta.
“Kinausap ko rin siyempre si Mam Gina at si Direk para maging authentic talaga ang paganap ko sa buhay ni Mayor Halili,” esplika ni John.
Itinanggi rin ng aktor na may bahid-politika ang kanilang pelikula. “Hindi naman maiiwasan ang ganoong balita. Pero ako, bago ko gawin ito, klinaro ko sa producer ko at director ko na walang bahid politika dahil hindi ko siya gagawin kapag ganoon. This is my first biopic. This is not a political propaganda. This is a celebration of mayor Halili’s life. Hindi ito para sa politika, kundi iyong lifestory niya talaga ang mapapanood dito,” pahayag ni John.
Ang pelikula ay mula sa produksiyon ng Great Czar Productions at sa pamamahala ni Direk Ceasar Soriano. Tampok din dito sina Ara Mina, Martin Escudero, Phoebe Walker, Yayo Aguila, Kate Alejandrino, Noel Comia, Jr., Mon Confiado at JM Soriano.
Bakit niya naisipang gawin ang life story ni Mayor Halili?
Sagot ng director/producer, “When I was a reporter, I was very fascinated and obsessed in understanding the harsh and not normal parading of drug pushers and drug users. I came to know that this mayor was accused of human rights violations, parading the drug pushers and users.”
Bakit si John ang napili niyang gumanap bilang Mayor Halili? “Si John ang napili ko because he looked like the mayor. Matangkad, playboy, magaling, kahawig… Para siyang si mayor. Noong una kong ini-offer sa kanya ang role, pinag-isipan niya. Sabi ko, hindi ito basta-basta movie. ‘Pag gusto ko kasi ang isang artista, hindi siya makahihindi sa akin,” sambit ni Direk Ceasar.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio