Thursday , December 19 2024

Yul, thankful kay Piolo sa tulong sa mga kadistrito sa Manila

MALAKI ang pasasalamat ni Manila 3rd District Congressman Yul Servo Nieto sa kanyang kaibigang si Piolo Pascual dahil sa patuloy na pagtulong ng Kapamilya actor sa mga kadistrito niya.

“Si Piolo nagpe-pledge at tumutulong sa mga kadistrito ko ‘pag birthday niya at ‘pag Christmas. Taon-taon ginagawa niya iyon hanggang ngayon kaya talagang nagpapasalamat ako sa kanya,” sabi ni Yul.

Ito ang inihayag ni Yul sa post-birthday at thanksgiving get-together with the entertainment press na inorganisa niya kamakailan sa Limbaga 77 Cafe Restaurant. Re-electionist sa kanyang ikalawang termino bilang kongresista si Yul sa 3rd District ng Manila. Nakasama niya sa get-together ang kanyang kapatid na si Apple Nieto, na tumatakbo namang councilor sa parehong distrito.

Never tumulong sa pangangampanya niya si Piolo dahil sa panuntunan nito sa sarili na walang susuportahang sinumang kandidato. Pero hindi  sumama ang loob ni Yul sa kaibigan. “Kahit naman noon sinasabi niya talaga na wala siyang ikakampanya. Okay lang sa akin ‘yun kasi matagal na namang ganoon.

“Maski noong una akong tumakbo bilang konsehal hindi siya nangampanya. Pero noong unang takbo ko binigyan niya ako ng dagdag sa pondo. Ganoon lang. Mas gusto kasi ni Piolo na tulungan na lang ang mga kadistrito ko. Gusto niya ‘yung walang cellphone, ‘yung talagang mahihirap. Kasi sabi niya rati ‘yung sa event niya ‘pag magpi-picture naka-iPhone pa ‘yung mga tao. Kaya hinanapan ko talaga siya ng mga kapuspalad natin sa distrito natin na tuwang-tuwa naman dahil nakakita pa sila ng artista at tumanggap ng tulong.

“Tapos parang nag-‘ASAP’ siya roon, nagpa-concert pa siya roon. Nitong January lang iyan noong nag-birthday siya. Namigay siya ng 1,500 na goods at 1,500 na ham. Sa P. Gomez sa Sta. Cruz iyon. Last year sa Binondo naman. Iniikot ko talaga siya sa Sta. Cruz, sa Binondo, sa Quiapo.”

Noong magkasama sila ni Piolo sa ABS-CBN teleserye, Sa Puso Ko Iingatan Ka (2001-2003), nangarap na silang pasukin ang politika. Pero si Yul lang ang natuloy na maging public servant.

Hindi niya ba in-encourage si Piolo na tumakbo na rin?

“Hindi naman. Siguro sa tingin ko mas mahal niya ‘yung passion niya sa pag-aartista. ‘Yung sa business niya pati endorsements niya. Ang nakatutuwa naman kay Piolo kahit hindi siya politiko ay marami siyang natutulungan. May mga scholar siya at ang dami niyang charity works na ginagawa,” ani Yul.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *