Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yul, tanging ang ambisyon ay pagsilbihan ang mga ka-distrito

SIGURO po sa loob ng isang buwan, minsan umaabot sa 800 burol ng patay ang napupuntahan ko,” pagkukuwento ni Congressman Yul Servo. At hindi niya ginagawa lang iyan kung panahon ng kampanya, talagang ginagawa niya iyan lagi. May mga panahong araw-araw talaga pagdating ng gabi inilalaan na niya ang oras sa pagbibigay ng oras sa pakikiramay.

“Noong una nga po naiilang ako, kasi basta dumating ako sa burulan, parang nauuna pa rin sa isipan nila iyong artista ako. Lahat iyan maglalapitan at nagpapa-picture. Talagang hiyang-hiya ako kasi may patay tapos picture taking ang nangyayari. Pero hindi lang minsan na may nagsabi sa akin na gumagaan ang loob nila sa ginagawa kong pagdalaw. Kasi ang tingin nila hindi lang congressman nila eh. Ang tingin nila may isang artistang nakiramay sa kanila. Kaya magmula po noon, mas lalo kong sinikap na maibigay ang aking pakikiramay sa mga namatayan,” sabi pa ni Yul.

Kung magkuwento si Yul, hindi mo sasabihing umakyat na sa utak niya ang pagiging isang politiko. Simple lang ang kanyang iniisip, kung paano makatutulong. Doon sa kanyang ipinakitang record ng mga nagawa niya, walang political moves. Puro pagpapatayo ng eskuwelahan, palaruan, ospital, medical assistance, pagpapa-ayos ng mga presinto ng pulisya, at kung ano-ano pa.

Pati iyong kanyang ginawang Operation Tuli ikinuwento niya kung ano ang personal niyang ginagawa para mas mapabuti ang serbisyo. Ipinagmamalaki nga niya, noong nakaraang taon ay halos 2,000 mga bata  ang naging pasyente nila sa kanilang operation tuli.

Talagang mapapansin mo na ang mga ginagawa niyang proyekto ay ginamitan ng simpleng kaisipan lang. Kung ano ang kailangan ng mga tao, iyon ang kanyang tina-target. Kasi nga sinasabi naman niyang wala siyang ibang ambisyon kundi pagsilbihan lamang ang kanyang distrito. Roon lang siya naka-focus ngayon. Hindi siya kagaya ng ibang masyadong ambisyoso.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …