Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jobert Austria, bida na sa pelikulang Familia Blondina

ITINUTURING ng kuwelang komedyanteng si Jobert Austria na biggest break niya ang pelikulang Familia Blondina ni Direk Jerry Lopez Sineneng at showing na today, February 27. Ito ay tinatampukan din ni Karla Estrada at mula sa Arctic Sky Entertainment.

Dito mapapanood ang kakaibang tandem nila ni Karla. Ibang timpla rin ang mapapanood nila rito sa pelikula na itinuturing ni Jobert na biggest break niya.

Saad ni Jobert, “Siguro itong Blondina ang biggest break ko, kasi first time ko kasi nagbida, asawa ako ni Karla Estrada rito.”

Paano niya ide-describe ang movie? “Iba siya e, iba naman, ibang lasa niyon, ibang timpla. Kasi, normal na nangyayari ‘di ba? Iyong katulad ko, ‘yung asawa ng mga anak ko, ibang lahi tapos nagkasama-sama kami. Iyong anak ko Filipino ‘yun, nagkakaroon ng conflict kahit paano ‘di ba? Ganoon ‘yung Blondina.

“British ‘yung asawa ko, si Karla naman Amerikano. Kaya mga anak namin ay blond ng mga British at Americans.”

Paano niya ide-describe si Karla bilang katrabaho? First time ba sila nagkatrabaho?

“Nakatrabaho ko na siya sa Cinemo, makulit din ‘yun e, masayahin din at saka mapagmahal ‘yun na parang utol ko na ‘yun. Ang suwerte ko naman dahil lahat ng nakakatrabaho ko ay mahal ako tulad nina John Lloyd (Cruz), Coco (Martin), Angelica (Panganiban. Tawa lang sila nang tawa e, ‘yun lang naman trabaho ko sa buhay e,” nakangiting sambit ng masipag na alaga ni Ogie Diaz.

Bukod sa Familia Blondina, ang iba pang projects ni Jobert ay Home Sweetie Home, Banana SundaeSagot Ka Ni Jobert at Sorpre­saya sa Cinemo at paborito siya ni Coco Martin sa top rating na FPJ’s Ang Probinsiyano.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …