Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong product endorsement ni Kris, inirekomenda ni Maricel; Tetay, top endorser pa rin

PROUD na inihayag ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na rati pa niyang ginagamit ang produktong ineendoso niya ngayon, ang Cetaphil.

May trivia pa nga siya kung sino ang nagpakilala sa kanya at nagrekomenda ng brand na ito, walang iba kundi ang Diamond Star na si Maricel Soriano noong nagkatrabaho sila sa pelikulang Mano Po.

Ayon sa IG post ni Kris – “Blessed to be working with a new brand, @cetaphilph, a product i started using in 2002 (introduced to me by the Diamond Star, Ate Mary, when we were shooting @regalfilms50 Mano Po)…”

Sa isa pang IG post ni Kris, ini-reveal niya na hindi lang siya kundi pati ang kanyang bunsong anak na si Bimby ay gumagamit ng produktong ito.

Ani Kris sa IG – “not sure if @cetaphilph carries all these here in the (Philippines) BUT posting what bimb & i use, para kung wala pa, ma pressure sila to have the full range. (The makeup wipes were bought in the (US).) Bimb has allergic rhinitis and both respiratory & skin asthma; i have chronic spontaneous urticaria BUT Cetaphil isn’t just for people with sensitive skin needs; it’s a wonderful line of products for EVERYONE who wants HEALTHY SKIN.”

Sa kabila ng paghahayag ni Kris tungkol sa kanyang sakit, marami pa ring produktong nagtitiwala sa kanya para maging endorser at ambassador.

Naniniwala ang mga brand at kompanyang ito na mas marami ang makukumbinsing bumili at tumangkilik ng kanilang produkto kung si Kris ang mag-eendoso. Patunay lang ito ng patuloy na pagiging top endorser sa Pilipinas ni Kris.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …