Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Therese, banta sa kasikatan ni Kylene

MARAMI-RAMI na ang acting awards na natanggap ni Therese Malvar simula nang pumasok siya sa industriya.

Ngayon ay nabigyan ng chance si Therese na magbida kasama ang isa pa ring talented young actress, si Kyline Alcantara sa bagong teleserye ng GMA, ang Inagaw Na Bituin.

Hindi puwedeng pagtaasan ng kilay ang kanyang acting talent dahil humakot siya ng karangalan noong nakaraang taon sa iba’t ibang award giving bodies.

Gayunman, kailangan pang mag-extra effort si Kyline para makapantay o ‘di makabog ni Therese sa eksenang magkasama sila.

Hindi iniisip ni Kyline na isang malaking  banta sa kanya si Therese dahil magkaibigan sila at walang sapawang nangyari.

Kahit sa pagkanta man, may nagsasabi na hamak na mas maganda ang timbre ng boses ni Therese kaysa kay Kyline.

Depensa ni Kyline, walang pataasan ng boses sa kanilang dalawa, umarte sila bilang mga singer sa teleserye na hinihingi ng kani-kanilang role.

Aminado rin naman si Kyline na hanga siya sa galing ni Therese kung kaya kailangan din niyang paghusayan pa ang kanyang acting para mapantayan ang bagong kaibigan.

Pagdating naman sa kanyang bagong leading man, ang Kapuso young actor na si Manolo Pedroza, ngiti pa lang nito’y panalo na.

ni JOE CESAR

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …