Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Dingdong Dantes
Dennis Trillo Dingdong Dantes

Magarbong blasting, ‘di kaya ng GMA

ANO ba ‘yan kung kailan bongga at madugo ang mga eksena ng Abel at Cain nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo at saka agad tsinugi ito.

First time pa naman sana sa Kapuso ang magarbong fight scenes at blasting tapos tinapos agad ang serye.

Magandang pangitain sana ito para sa mga stuntman na dumarami ang raket. Knowing Direk Toto Natividad bibigyan n’ya ng trabaho ang mga tauhan din niya noon sa Ang Probinsiano.

Bigla tuloy action star ang image nina Dingdong at Dennis.

Well, siguro masyadong magastos ang bawat eksena ng fight scenes  kaya hindi inabot ng pisi ang panggastos.

 

Artistang mananalo sa eleksiyon, tulungan ang industriya

ALARMING ang sunod-sunod na flopsina ng mga pelikulang lokal na ipinalabas simula noong January. Maraming naapektuhang mga mangagawa sa mundo ng showbiz. Unang naapektuhan ang mga movie producer na baka tamaring mag-prodyus.

Isang dahilan sa hindi pagkita ng kanilang pelikula ay ang sobrang taas ng bayad sa sinehan. Feeling Hollywood ‘yung movie nilang ipinalalabas.

Iwasan ding kumuha ng bidang starlet sa gagawing movie. Kailangan kilala na at may chemistry. Katulad ng pelikulang Elise, walang chemistry sina Janine Gutierrez at Enchong Dee at take note ‘yung title, walang hatak sa mga manonood.

Nakalulungkot isipin na Graded A ang movie pero flopsina sa takilya.

Dapat kung sino mang artistang mananalo sa eleksiyon, tulungan ang movie industry.

 

Pagpasok ni LT sa Ang Probinsyano, inaabangan

MAHIRAP talikuran ang showbiz. Imagine ang dating matinee idol si na Roger Calvin na matagal tumira sa abroad makikitang kasama nina Daria Ramirez at Arlene Muhlach sa Ang Probinsyano.

Kinunan sa ibabaw ng bundok ang naturang eksena at masaya si Roger na nabigyan siya break.

Ang isa pang aktres na hinihintay ang pagsulpot sa action serye ni Coco Martin ay si Lorna Tolentino.

Ibang klase talaga ang serye lahat halos ay gustong mag -participate kahit pahirapang pumasok sa eksena.

***

BIRTHDAY greetings to February born— Freddie Aguilar, Nyoy Volante, Vicky Nievera na kakambal ni Martin Nievera, Baliuag ex vice mayor Tony Patawaran aka Abel Acosto, Donna Cruz, Maureen larrazabal, Sen. Juan Ponce Enrile, Rhene Imperial, Doris Bigornia, Carlo Orosa, at Val Gonzales.

(VIR GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …