SA ayaw at sa gusto ng watak-watak nang AlDub nation, isinilang na nga ang tambalang ArMaine which stands for Arjo Atayde and Maine Mendoza.
Kung ang ‘di katanggap-tanggap na existence ng ArMaine ay maihahalintulad sa isang trahedyang nangyari sa mga AlDub supporter, parang dumaraan din lang sila sa proseso which in the end will lead to their collective acceptance.
Nasa denial stage pa rin sila ngayon, pilit na pinaniniwala ang kanilang mga sarili na may pag-asa pang maisalba ang AlDub loveteam.
Kasabay nito siyempre ang galit, na itinuon nila kay Arjo as if naman ay ito lang ang responsable sa pagkakabuwag ng phenomenal loveteam.
Sa sobra ngang poot sa puso ng mga ito’y dumating na sa point na may death threats na silang nalalaman directed to Arjo and his family.
Sa bandang huli, umaasa ang marami na lalawakan din ng mga AlDub fan ang kanilang makitid na pag-iisip, hence the last stage which is acceptance.
Kung kailan ito darating ay sila rin lang ang makasasagot, kung paanong sila rin ang makakapaglapat ng lunas kung maituturing na karamdaman ito.
As it is now, ”eat your heart out!” lang ang tanging masasabi namin sa kanila. Habang kinukunsumi sila ng kanilang sariling problema, hayun sina Arjo at Maine, nagbubunyi, in-enjoy lang ang buhay na magkasama sila.
So, where does that leave Alden? Aba, for all we know, pabor sa kanya ang ArMaine loveteam, nakatakas na kasi siya sa “bilangguan”, ang mga fan lang naman nila ni Maine ang masaya.
Hindi siya.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III