ANG gun ban daw ng Commission on Elections (Comelec) ay para lamang sa law-abiding citizens.
Sila lang kasi ang masugid na sumusunod at nagrerespeto sa batas na ito.
Pero sa ilang taon nating pag-oobserba, tuwing mayroong gun ban ang Comelec, mas marami ang napapaslang.
Hindi natin alam kung may dalang ‘bad omen’ ang pagdedeklara ng gun ban o ‘yan ay inaabangang hudyat sa hired killers para ilunsad ang kanilang mga operasyon.
Kung kailan idineklara na mayroong gun ban, saka naman pinaslang in broad daylight ang isang barangay chairwoman sa Quezon City.
Nasundan pa ito ng pamamaslang sa ibang lugar sa Metro Manila hanggang sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Ang pinaka-latest nga ay ambush sa isang negosyanteng Jose Luis Yulo sa Mandaluyong City.
Kaya gusto nating itanong, may umiiral nga bang gun ban ngayon sa bansa?!
Ano sa palagay ninyo PNP chief, Director General Oscar Albayalde and NCRPO chief, Director Guillermo Elazar?!
E parang gusto na nating maniwala na sa press conference lang kayo mabibilis?!
Huwag naman po sana.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap