PUMALO sa P18.45 bilyon ang net income ng Globe Telecom noong 2018, mas mataas nang 22 percent kompara sa P15.08 bilyon na naitala noong 2017 dahil sa malaking pangangailangan sa data-related services nito.
Ayon sa Globe, ang kanilang consolidated service revenues noong nakaraang taon ay nasa P140.23 bilyon, mas mataas nang 10 percent sa P127.92 bilyon noong 2017.
“The continued strong revenue performance was once again driven by data-related services across all business segments. This was likewise supported by Globe’s pervasive 4G/LTE network, and the wide array of content offerings, through its partnerships with industry leaders and global content brands,” pahayag ni Globe Chief Financial Officer Rosemarie Maniego-Eala sa disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE) noong Martes.
Ang mobile service revenues ng kompanya ay umabot sa P106.93 bilyon, mas mataas nang 9 percent sa P98.48 bilyon na naitala noong 2017.
Mas mataas naman nang 28 percent sa P55.3 bilyon ang mobile data revenues kumpara sa P43.06 bilyon na iniulat noong 2017 na tumaas ang mobile data traffic sa 956 petabytes noong 2018 mula sa 600 petabytes noong 2017.
Ang mobile data ang pinakamalaking contributor sa mobile business segment ng kompanya na bumubuo sa 51 percent ng total mobile service revenues kompara sa 44 percent noong 2017.
“The sustained growth momentum in mobile data revenues was driven by the increasing consumption of streaming and always-on digital services coupled with the growing smartphone penetration,” ani Eala.
“Likewise, data traffic rose as more Globe customers are benefitting from the company’s massive network upgrades,” dagdag niya.
Hanggang noong December 2018, ang mobile subscribers ng Globe ay nasa 74.1 milyon, na magiging bagong baseline ngayon ng kompanya dahil sa epekto ng pagpapalawig ng validity ng prepaid load sa isang taon na itinakda ng National Telecommunications Commission (NTC).
Samantala, target ng Globe na gumasta ng P63 bilyon bilang capital expenditures (capex) ngayong taon para sa pagpapalawak ng data network nito sa harap ng malaking pangangailangan ng mga subscriber para sa mobile data services.
“We are proud of what we have achieved in 2018 both in terms of financials and network expansion. We will continue to build our network capacities to improve the internet experience as we re-invest our gains back to our network, which is now close to 33 percent of our revenues, to be able to deliver a differentiated level of customer service,” pahayag ni Globe President at CEO Ernest Cu.
Ang Globe ay gumasta ng P43.3 bilyon capex noong 2018, karamihan ay para sa data-related services upang matugunan ang customer demand para sa mas maraming bandwidth-intensive content.