Monday , November 18 2024

Direk Jun at Direk Perci, thankful sa FDCP; Die Beautiful, patuloy na pinararangalan

THANKFUL ang The IdeaFirst Company bosses na sina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson and CEO Liza Dino Seguerra dahil sa mga parangal na iginawad sa mga pelikula at talents sa ilalim ng kanilang production company.

Kabilang ang mga pelikula at talents ng The IdeaFirst Company sa 86 na honorees na ibinida ang Philippine cinema sa world stage sa kanilang pagkapanalo sa international film festivals noong 2018.

Iginawad ang mga parangal sa 3rd Film Ambassadors’ Night ng FDCP noong Linggo, February 10, sa SM Aura Premier Samsung Hall, Taguig City.

Nanguna sa nabigyan ng parangal sa Full-length Feature Films category ang Die Beautiful directed by Lana and produced by Direk Jun, Direk Perci and Ferdy Lapuz for The IdeaFirst Company. Black Crystal awardee ang Die Beautiful for Best Feature Film sa Newcastle International Film Festivalsa United Kingdom noong isang taon.

Pasasalamat nga ni Direk Jun, “Thank you sa FDCP siyempre kay Ms. Liza sa pagkilala sa achievement ng ‘Die Beautiful.’ Nakatutuwa kasi three years ago pa nang ipalabas ang ‘Die Beautiful’ at ngayon mayroon pa ring nakukuhang pagkilala. Nakatutuwa dahil ang haba ng buhay ng pelikulang ito.”

Dagdag pa ni Direk Perci, “Nakatutuwa kasi itong bagong award. It is a testament kung gaano ka-universal ‘yung story ng ‘Die Beautiful’ kasi hanggang ngayon umiikot pa rin siya sa festivals abroad, pinakahuli nga ‘yung Newcastle. Nagulat kami na mayroon pa sa UK na festival. Nakatutuwa kasi nadi-discover pa ng maraming tao ‘yung story and it’s an important story para sabihin sa buong mundo. I think we’re doing our small part para sa LGBTQ awareness globally.”

Very proud and thankful din sina Direk Jun at Direk Perci dahil maging ang IdeaFirst Company talents na sina Angellie Sanoy at Timothy Castillo ay nabigyan din ng mga parangal ng FDCP sa Actors Category. Si Angellie ay nanalo ng Mejor Actriz Award sa Palmares Imagineindia 2018 sa Madrid, Spain para sa pelikula niyang Bomba. Nagwagi namang Best Actor para sa pelikulang Neomanila si Timothy sa 34th Los Angeles Asian Pacific Film Festival sa Southern California, USA.

Naparangalan din sa Full-length Feature Films Category ang pelikulang Gusto Kita With All My Hypothalamus ng IdeaFirst director na si Dwein Baltazar dahil sa pagkapanalo ng pelikulang ito ng NETPAC Award at Asian Film Observatory Award sa 55th Taipei Golden Horse Film Festival sa Taiwan.

Tinanggap naman ni Direk Perci ang award ni Ryza Cenon sa Actors Category. Iniuwi ni Ryza ang Yakushi Pearl Award sa 2018 Osaka Asian Film Festival sa Japan para sa IdeaFirst at Viva Films produced movie na Mr. & Mrs. Cruz directed by IdeaFirst director Sigrid Andrea Bernardo.

Bukod sa pasasalamat sa natanggap na awards ng IdeaFirst, thankful din sina Direk Jun at Direk Perci sa FDCP at kay Chairperson Liza sa efforts nila para matulungan ang industriya.

Ayon nga kay Direk Jun, “Definitely, napakalaki talaga ng nagagawa ng FDCP sa industriya natin ngayon compared sa nagagawa ng dating FDCP. Mas involved siya sa industriya, mas nabibigyan ng pagkilala ang mga filmmaker natin. Hindi lang iyon eh, nakakapagbigay din ng incentives lalo na sa mga pelikulang naililibot natin sa ibang bansa at nagbibigay ng karangalan sa atin. Kaya sana magtuloy-tuloy ang ginagawa ng FDCP at higit dito sana mapag-usapan din ‘yung mga pwede pa nating gawin para maiangat natin ang industriya.”

Samantala, ang Distance ni Direk Perci ay magku-compete sa dalawang nalalapit na international film festivals, sa Asian Cinema Competition ng 11th Bengaluru International Film Festival na magaganap sa February 21-28 sa India; at sa 22nd Amsterdam LGBTQ Film Festival Roze Filmdagen na gaganapin sa March 14-24 sa Netherlands.

Napabilang naman ang passion project ni Direk Jun na Son of God kasama ang isa pa niyang pelikulang Between Sea and Sky sa Hong Kong-Asia Film Financing Forum (HAF) ngayong taon na magaganap sa March 18-20 sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *