Nakausap ng press si Congressman Monsour del Rosario the other day sa Makati City nang namigay siya ng bulaklak at pillows sa masusuwerteng babae sa nasabing lugar.
First term palang niya bilang Congressman since he won wayback in the 2016 elections.
Why the sudden decision to run for Vice-Mayor this coming election?
Tumakbo raw si Vice-President Jojo Binay sa district niya bilang Congressman.
Hangga’t maari ayaw niya itong kalabanin dahil close family friend siya ng pamilyang Binay.
Si Monique Lagdameo raw, na incumbent Vice-Mayor ng Makati, ang kanyang makakalaban.
Kaya tinanong namin si Monsour kung ano ang pakiramdam na ang makakalaban niya sa pagka-Bise Alkalde ng Makati ay pinsan ng mister ni Dawn.
“Okay lang!
“Kasi si Anton saka si Dawn wala namang problema kasi ako naman ang nagpakilala sa kanila, e!
“Si Anton, grade seven pa lang kilala ko na.
“Fourth year high school ako, ‘tapos nag-aral sa Amerika ‘yan.
“Tapos, pag-uwi niya, sabi niya, ‘Kuya Mon, ‘yung ex-girlfriend mo, puwede kong ligawan?’
“‘Yung dalawang anak nila estudyante ko sa taekwondo.
“Walang problema sa amin.”
Kanino kaya ibibigay ni Anton ang kanyang suporta, kay Monsour o sa pinsan niya?
“Well,” he answered with absolute flippancy, “siguro kung ano ang sabihin ni Bongbong Marcos, kung ano ang sabihin siguro ni (President Rodrigo) Duterte.”
Kanino ba si Monsour?
“Duterte. PDP,” was his cool reply.
Anyway, Monsour has one twelve-year old son and one ten-year old daughter by her wife Joy Zapanta.
May hitsura raw ang kanyang anak na lalaki at marami raw ang nag-e-encourage rito na pasukin rin ang pag-aartista.
Ang problema raw, hindi marunong mag-Tagalog dahil sa International school nag-aaral.
‘Yung babae naman sa Assumption at medyo marunong ng Tagalog nang konti.
Would he allow them to enter show business?
“Tapusin muna nila ang school nila,” he said in earnest.
“Kasi ang nakita ko sa karamihan ng kabataan, noong pumasok ako sa showbiz, kapag nakatikim na sila ng pera, kapag kumikita na sila ng pera, nagtatrabaho na, ayaw nang mag-aral.
“So patapusin muna ng pag-aaral nila, pagkatapos kung gusto nila, at least tapos na sila.”
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.