Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, bumaklas na sa Star Magic; Derek, naudlot ang proyekto kay Jen

AFTER Xian Lim, si Matteo Guidicelli naman ang sumunod na bumaklas sa Star Magic at ngayo’y nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency.

Sadya bang nagpa-release si Matteo para sundan ang kanyang rumored girlfriend na si Sarah Geronimo na noong nag-uumpisa’y isa nang Viva talent?

With Xian na balitang lilipat sa GMA, maging ganito rin kaya ang career plan ni Matteo?

Meanwhile, ang kasado na sanang paglundag ni Derek Ramsay sa GMA is marred by his present condition.

Napuruhan kasi sa spine ang athlete-actor to think na dapat sana’y sisimulan na niya ang TV project sa GMA opposite Jennylyn Mercado.

Too bad, kung kailan pa naman nakahanap na si Derek ng bagong tahanang masisilungan (he has gone full circle) ay may nangyari pang indulto sa kanya threatening to affect his career.

Minsan na naming nakadaupang-palad ang hunk actor with his partner in tow. Napaka-pleasant ng kanyang aura.

Mukha ring he and his newfound partner make a beautiful pair. At ito ang balitang nag-aasikaso sa kanya under his condition.

We’re praying na maagad ang recovery ni Derek as he’s one damn good person.

ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …