BIRTHDAY ni Kris Aquino sa February 14 and she is turning 48, ang araw na ipagdiriwang din natin ang Valentine’s Day. Pero bago pa ang kanyang birthday ay dumaragsa na ang nagpapadala ng mga regalo sa kanya.
Kabilang na sa nagbigay sa kanya ng advance birthday gift ay ang kanyang Ate Pinky. Isang roaming gadget na magagamit ni Kris at ng kanyang mga anak ang gift ni Pinky. Alam naman natin na very active si Kris sa online at social media kaya very useful ang gadget na iyon.
Bukod dito, na-appreciate din ni Kris ang handmade birthday card na bigay ni Pinky na very personal ang message para sa kanya.
Ayon nga sa Instagram post ni Kris, “my sisters say it’s hard to give me gifts. my sister Pinky, found a roaming gadget my boys & I will be able to use often.
“She handmade my BIRTHDAY card and her message meant the world to me. (FYI, she’s traveling w/ my Ate so my gift was sent early, because we leave on Tuesday to have a relaxing birthday in my favorite city.) #loved
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga