Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jhane Santiaguel, game sa mga daring na role!

SI Jhane Santiaguel dating member ng Mocha Girls. Bago naging miyembro ng sikat na grupo ni Mocha Uson, nagsimula si Jhane bilang vocalist ng Caramel Band na ang manager ay si Oliver Cristobal na kapatid naman ng manager ng Mocha Girls na si Byron.

Pagkalipas nang isang taon ay nag-audition si Jhane sa Mocha Girls, kasabay si Mae dela Cerna na dating miyembro ng EB Babe.

Ipinahayag din ni Jhane na nami-miss niya ang mga da­ting kasamahan sa Mocha group. Pero minsan-minsan naman daw ay nagkikita sila. Nagplano silang mag-reunion noon, ngunit hindi ito natuloy. Marami kasi silang pinagkakaabalahan daw sa ngayon. Ano’ng masasabi niya kay Mocha Uson?

Saad ng seksing singer, dancer, model, aktres, ”Si ate Mocha super smart and passionate kapag may ginagawa siya. Lalo na noong bago pa lang kami, siya lahat ang nagtuturo sa amin kung paano maging strong sa ganitong line of work.

“Nag-Singapore ako kaya nawala ako nang two years, 2013 ay bumalik ako ulit sa Mocha Girls, then nawala ako ulit December 2014 after ng World Tour namin.

Nagpahinga muna ako then pinasok ko po ‘yung modeling at nag-business ako. Nagkaroon ako ng travel agency/ticketing office and naging provincial distributor po ako ng Brilliant Skin na ini-endorse ko sa tulong ng CEO namin na si Ms. Glenda Victorio. Then naging Tanduay Angels ako last 2018 for calendar at every year nasa Blade Calendar din po ako.”

Nakalabas si Jhane sa ilang TV shows tulad ng Juan Happy Love Story sa GMA-7. Nakasali rin siya sa Music video ng Ex Battalion. Kung may mga offer na movie project, game rin daw siya, “Sisimulan pa lang po pag-usapan next month ‘yung project, dahil naging super busy po ako sa mga out of the country photo shoots ko,” ani Jhane.

Pahabol pa niya, “For now po nagfo-focus ako sa business and future business ko while nag¬mo-modeling and nagso-show. Sa acting career naman po, if mayroong darating na project, why not?

“Puwede po ako sa kissing scene, love scene… ganyan po. Pero bahala na po kung maganda talaga ‘yung role,” nakangiting saad ni Jhane.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …