Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynez Veneracion, dream come true na makatrabaho si Sylvia Sanchez sa Jesusa

DREAM come true para kay Ynez Veneracion na makasama sa pelikula ang premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Magkasama sila sa pelikulang Jesusa na mula sa pamamahala ni Direk Ronald Carballo at prodyus ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management).

Sa peli­kula ay mag-asa­wa sina Allen Dizon at Sylvia, ngunit iniwan ni Allen ang kanyang misis nang kumabit siya kay Ynez.

Aminado nga si Ynez na sobra si­yang kabado nang na­la­mang mag­kasama sila ni Ms. Sylvia sa pelikulang ito. “Dream come true talaga na finally ay nakasama ko na si Ate Sylvia sa isang pelikula, sobra… Although sa TV ay naka-eksena ko na siya, pero iyon ay very-very light lang talaga. Pero itong movie na Jesusa, talagang iba, matindi talaga.

“Kaya nang sinabi sa akin ang project na ito, kina­bahan talaga ako, ninerbiyos ako. Sobrang… parang takot na takot ako e, alam mo na siyempre, Sylvia Sanchez iyan, e.”

Dagdag ng dating sexy actress, ”Sa The Greatest Love nga ilan ang awards na nakuha niya? Maraming Best Actress, ‘di ba? Kaya lahat ng mga sinasabi niya, talagang iniisip ko. Kasi gusto kong matuto, kasi naniniwala ako at alam ko na kahit na marunong na akong umarte ay marami pa rin akong dapat na matutuhan. Kaya nakikinig ako sa kanya, kasi sabi ko, ‘Ate willing akong matuto.’

“Sa movie, ang powerful ng mata niya, kaya kinakausap ko ang sarili ko na huwag magpadala kay Ate Sylvia. Kasi, nadadala ako, kumbaga, naaawa ako sa kanya na hindi puwede, kasi kontrabida ka. Kapag naawa ako, iba na ‘yung magiging rehistro ng mukha ko, kaya mate-take two kami. E, very powerful ng mga mata niya e, kaya struggle is real talaga. So, parang naging kalaban ko ang sarili ko. Pero at least, proud naman ako na nakayanan ko iyong struggle tala­ga,” sambit ni Ynez.

Kasama rin sa Jesusa sina Mara Lopez, Empress Schuck, Malu Barry, Vince Tañada, Mon Confiado, at introducing si Uno Santiago. Planong itaon ang showing nito sa Mother’s Day.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …