Sunday , November 17 2024

Direk Jun at Direk Perci, gagawa ng empire sa film industry

MASAYANG-MASAYA ang mga bossing ng The IdeaFirst Company na sina Direk Perci Intalan at Direk Jun Robles Lana dahil naging maganda ang pasok ng 2019 para sa kanila at sa kanilang production company.

Noong Enero pa lang ay marami na agad pasabog ang The IdeaFirst Company. Enero 23 nang ipalabas sa 169 cinemas nationwide ang kauna-unahang pelikulang handog nila na co-produced ng Cignal Entertainment at OctoberTrain Films, ang Born Beautiful, na idinirehe ni Direk Perci. Nang sumunod na araw ay nadagdagan pa ang mga sinehang pinagpapalabasan ng Born Beautiful at hanggang ngayon na papunta na sa third week ay showing pa rin sa maraming sinehan. Magaganda rin ang reviews at comments na natanggap ng pelikula at ng cast nito.

Enero rin nang makatanggap ng magandang balita si Direk Jun na ang latest passion project niyang Son of God kasama ang isa pang pelikulang Between Sea and Sky ay pumasok sa Hong Kong-Asia Film Financing Forum (HAF) na magaganap sa March 18-20 sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre.

Ayon sa social media post ni Direk Jun, “I am proud to announce that SON OF GOD, the final installment in my small-town trilogy which began with Bwakaw and Barber’s Tales, has been selected in the upcoming HAF-WIP Lab 2019. This plus my film in development, the previously announced HAF project BETWEEN SEA AND SKY, makes our return to HAF (the same market that opened up many opportunities for my past films including Die Beautiful) doubly exciting.”

Bago pa man matapos ang Enero ay humabol pa ang isang magandang balita para naman kay Direk Perci. Ang pelikula niyang Distance ay napili para mag-compete sa 22nd Amsterdam LGBTQ Film Festival Roze Filmdagen na gaganapin sa March 14-24, 2019 sa Amsterdam, Netherlands. Magku-compete ang Distance para sa Best Feature Film award.

Nakatutuwa kasi LGBTQ film festival siya. I’m proud na ang ipakikita nating side ng LGBTQ in the Philippines is a family story — medyo iba ang tema at Pinoy na Pinoy ang dynamics ng pamilya natin,” sabi ni Direk Perci.

Ang Distance ay unang napanood sa Pilipinas bilang entry sa Cinemalaya  noong Agosto 2018. Nag-compete na rin ito sa Asian Future section ng 31st Tokyo International Film Festival (TIFF) noong Oktubre 2018.

Ano ang nararamdaman nina Direk Perci at Direk Jun na ang ganda ng pasok ng 2019 para sa The IdeaFirst Company?

Ano pa ang ma-e-expect ng mga tao mula sa kanila? “As for IdeaFirst, nakatutuwa kasi nagbubunga ang mga pinaghihirapan. Marami tayong projects na itinanim at inaalagaan, at awa ng Diyos namumunga naman. In the coming months maraming projects na magsisimula ng production —‘yung movieni Direk Sigrid (Andrea Bernardo) with Cristine Reyes and Xian Lim, ‘yung movie ni Direk Jun with Sarah Geronimo and may projects din sina Direk Prime Cruz at Direk Mo Zee na scheduled to start na this quarter one. Plus we have many series sa Cignal Entertainment,” ani Direk Perci.

Excited pang dagdag ni Direk Jun, “Sabi ko nga kay Perci, 2019 is going to be a big year for IdeaFirst Company kasi we’re becoming more aggressive, we’re becoming more ambitious. Definitely, we want to do more projects, bigger projects, more commercial hits, more TV shows, everything. We’re building an empire.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *