Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, tuloy-tuloy ang blessings

Sa kabila ng mga negatibong bagay, may mga positibo pa ring ipinagpapasalamat si Sylvia dahil tuloy-tuloy ang dating ng blessings sa kanya at sa kanyang mga anak.

Bukod sa pelikulang Jesusa, may ginagawa rin siyang bagong teleserye sa ABS-CBN na may working title na Project Kapalaran.

“Kahit may ganitong nangyayari sa buhay ko, masaya pa rin, mahal kami ng Diyos. Binibigyan pa rin kami ng tuloy-tuloy na proyektong mag-iina. So, iyon lang ang strength namin na alam naming may Diyos na nagbibigay at nagtitiwala pa rin sa amin.”

Puno lang ng pagmamalaki si Sylvia sa pelikula niyang Jesusa directed by Ronald Carballo and produced by OEPM (Oeuvre Events and Production Management). Napakaganda ng istorya at first time niyang gumanap na isang inang drug addict kaya may bago na naman siyang ipakikita sa mga manonood.

Kasama niya sa Jesusa sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Vince Tanada, Fanny Serrano, at introducing si Uno Santiago. Target ipalabas ang Jesusa sa mga sinehan nationwide sa May 2019, na malamang ay itaon sa Mother’s Day.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …