Friday , December 27 2024

Robin Padilla, tampok sa Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story

AMINADO si Robin Padilla na na-miss niya ang paggawa ng matinding action film. Pinagbibidahan ni Robin ang pelikulang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story na showing na ngayon, January 30. Ito’y mula sa ALV Films ni Arnold Vegafria at Benchingko Films, with Regal Entertainment na distributor ng movie.

“Aaminin ko po, opo, alam naman po ng lahat, hindi naman po namin inililihim na matagal na po namin ipinamana iyong trono ng action sa mga bata. Ako po mismo, dalawang beses na yata akong binigyan ng FPJ award. Opo, lagi ko pong sinasabi ‘yun na pinamamamana ko na ito roon sa mga puwede pang mapila­yan, sa mga puwede pang mabalian, sa mga puwede pang masaktan ‘yung katawan nila. Kaya lang po mayroon po tala­gang tao na hindi natin mahin­dian, kasama na po riyan si boss Arnold. Alam n’yo ho kasi ‘yung mga action ngayon madaling gawin. Ang problema lang, ‘yung pagpapagaling kinabukasan, kasi kapag nabangga ka na ho, noong bata ka kasi hindi mo na iniinda ‘yun, e. Ngayon ho mayroon nang pain reliever mayroon pang kailangang nagmamasahe sa iyo,” saad ni Robin.

Patuloy ng action star, “Pero ‘yung enjoyment, ‘yung saya nang paggawa ng action, wala hong katumbas, kasi araw-araw nagsusukatan kayo ng galing. Napakasarap noong may challenge e, everyday may challenge. Ano tawag doon, iyong constructive na competition.

“Kasi siyempre may edad na kayo, pagalingan na rin kayo e, kung kaya pa. Kahapon nga pahabaan kami ng dialogue, kung sinong unang mabulol, talo. ‘Yung mga ganoon, masayang-masaya po kami, nakaka-miss lang. Pero uulitin ko po kapag ang mga kababayan po natin sinuportahan po ninyo ang paggawa ng action na pelikula, hindi ko lang po pelikula o hindi pelikula ng kaedaran ko o mas matanda pa o mas bata, marami po kayong natutulungang tao at higit sa lahat po, sa oras po ngayon, sa Asia, para makapasok po tayo sa Asian Market, kailangan po mag-develop talaga tayo ng action Filipino hero.”

Nabanggit ni Binoe na sa pelikulang ito masasagot ang mga intrigang ipinupukol kay General Bato. “Mula po noong si General Bato ay sinabing kakandidato, winasak na siya e, cha­racter assassination kaagad. Mas mabuti po kasi na itong pelikulang ito na siya mismo talaga ‘yung naglahad, makikita po ng tao kung ano ‘yung katotohanan. Kasi minsan dito po sa atin, hindi na natin din alam kung ano ang katotohanan.

“E mas maganda po ang nagkukuwento, ‘yung mismong tao at iyan po ‘yung ipinakita ng pelikula, lalo na po ‘yung hostage taking na masyado na pong ang haba nang pinagdiskusyonan niyan, nakarating pa ng senado iyan, kung saan-saang ano, eto rito mapapanood nila kung ano po talaga ang nangyari doon sa hostage taking na ‘yun.  At higit sa lahat po talaga, makikita ng mga tao na talagang si General Bato ay sumikat iyan, dinaanan niya ‘yung mahihirap na bagay sa buhay, hindi iyan ipinromote bigla. Kasi isa ‘yun sa paninira sa kanya e, na bigla na lang naging Chief PNP, hindi po. Talaga pong dumaan si General Bato sa mga dapat niyang daanan para siya’y maging PNP Chief.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *