Sunday , December 22 2024

20 Bagong ruta (franchise applications) ibinukas ng LTFRB para sa PITX?

MUKHANG hindi na ‘magkandaugaga’ ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makapag-operate ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Noong una, ang pagkaunawa natin, ang PTIX ay nilikha para ang lahat ng provincial buses ay doon na lamang magte-terminal.

Pero hindi naman ganoon ang nangyari, dahil ‘yung mga kilala at malalaking kompanya ng transportasyon ay hindi napapasok ng LTFRB sa PTIX.

Ang rason ng nasabing malalaking transportation companies, hindi na sasakay ang mga pasahero patungong south Luzon na nasanay na sa terminal sa Maynila at sa Pasay City.

Sabi pa ng LTFRB, baka ang PTIX na raw ang lulutas sa isyu ng illegal terminals. Pero hindi nangyari at nanatili ang mga bus terminal sa Maynila, Quezon City at Pasay City.

Nagkaroon pa nga ng isyu at tsismis na may pinaboran ang boss ng Department of Transportation (DOTr) kaya nananatili sa Metro Manila ang terminal ng malalaking kompanya ng bus.

In short, nilangaw ang PTIX at kahit ang mga pasahero ay hindi pumupunta roon dahil hanggang 9:00 pm lang ang operation.

Wattafak!

Ano ‘yan bus terminal sa malayong probinsiya na limitado ang operasyon?!

At dahil palpak, sablay at hindi nangyari ang inaasahan ng kung sino mang ‘henyo’ sa likod ng PTIX, nagbubukas sila ngayon ng 20 bagong ruta na ang end route ay sa PTIX.

Hindi lang isang uri ng public utility vehicle (PUV) ang pinag-a-apply ngayon ng LTFRB para sa bagong prankisa para sa PTIX .

Batay sa LTFRB Memorandum Circular 2019-005 na inisyu nitong Miyerkoles, 23 Enero, bukas sila  sa 10 public utililty buses, 2 UV Express o Class 3 public utility jeepneys, 8 Class 2 PUJs.

Ang mga interesadong operators aypinag-a-apply nila sa mga sumusunod na ruta: PUB PITX – Ternate, Cavite (30 units); PITX – Alfonso/Mendez, Cavite (28 units); PITX – Palapala/Dasmariñas, Cavite (30 units); PITX – Silang, Cavite (38 units); PITX – Tagaytay City, Cavite (38 units); PITX – Cavite City, Cavite (15 units); PITX – Indang, Cavite (35 units); PITX – Manggahan, General Trias, Cavite (35 units); PITX – Lancaster New City, Cavite (15 units); PITX – Nasugbu, Batangas via Ternate (20 units); UV Express Van or Class 3 PUJ PITX – Alabang, Muntinlupa (33 units); PITX – Tanza, Cavite (38 units) Class 2 PUJ; PITX – Bayan Luma, Imus, Cavite (50 units); PITX – Alabang, Muntinlupa (33 units) PITX – Tanza, Cavite (38 units); PITX – Bicutan, Parañaque via East Service Road (20 units); PITX – Bicutan, Parañaque via West Service Road (20 units); PITX – Sucat, Parañaque via Sucat Avenue (33 units); PITX – Blumentritt, Manila (55 units); PITX – Bacoor, Cavite (28 units).

Sa bawat ruta ay isa lamang ang pagbibigyang applicant pero kinakailangan na may kakayahan silang magbigay nang sapat na sasakyan para sa modernization plan ng DOTr.

At siyempre roon lang nila ibibigay ‘yan  sa may kakayahang mag-comply na sumunod sa guidelines na itinakda ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Sa ilalim ng modernization plan, ang pina­payagan ay PUVs na less than 15 years ang existence. Kailangan umano ay environment-friendly at may safety features. Kailangan din na Euro 4 engines o mas mataas pa ang sasakyan.

At marami pang ibang rekesitos.

Sa madaling sabi mga suki, ang PTIX, hangga’t walang gumagamit bilang transportation bay and terminal ay magiging isang ‘white elephant.’

Tsk tsk tsk…

Ilang bilyong piso nga ang ginastos para maitayo ang PTIX?!

Paging DOTr!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *