Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, may bagong pautot laban kay Kris

MAY bago na namang pautot si Gretchen Barretto, this via Instagram na she did a spoof on Kris Aquino’s alleged death threat laban sa rati nitong business partner.

Ang eksena, may mala-hino-hostage si Gretchen at sinasakal na babae while delivering the line, “Don’t step into the country, you will be dead. Papatayin ka ng aking pamilya.”

Obyus na halaw ‘yon sa mga umano’y katagang binitiwan ni Kris kay Nicko Falcis sa kanilang phone conversation whose audio clip ay kumalat na nga.

Mukhang proud pa si Greta sa ginawang pang-aasar kay Kris, na later on ay siya na rin mismo ang umaming may pinanggagalingan ang kanyang galit kay Kris.

As reported, may kinalaman ‘yon sa ginawang pagtulong ni Kris sa kaibigan niGreta named Alice Eduardo na kailangang magbayad ng ilang milyon o bilyong pisong atraso sa BIR. ‘Yun ‘yong panahong Pangulo pa ang Kuya Noynoy ni Kis.

Eh, kaibigan naman pala ni Gretchen ang tinulungan ni Kris, hindi ba dapat ay ipagpasalamat pa ‘yon ng ham actress na nakisawsaw sa isyung hindi naman siya directly involved?

Magalit si Greta kay Kris kung ipinaipit sana ng huli ang Alice Eduardo na ‘yon sa BIR hanggang mapilitan itong magbayad ng kaukulang buwis.

Mukhang hindi pa natatapos sa Instagram bullying ang caper ni Greta to get back at Kris. Ayon na rin mismo sa kanya, hindi siya titigil sabihin na kung sabihing sawsawera siya.

Eh, ‘di wow!

Itong si Greta, napaghahalata tuloy na walang pinagkakaabalahang career. Sa halip kasi na maghanap siya ng paraan to do better in acting, mas ginusto niyang pag-aksayahan ng panahon ang away nina Kris at Nicko as if naman ay mayroon siyang mahihita.

Nakatatawang isipin na imbes na unahin ni Gretchen ang pakikipagkasundo sa mismong ina niya, na ilang taon na niyang kaalitan, ay sinasayang niya ang kanyang energy sa usapin na ni ga-kulangot ay hindi siya sangkot.

This beautiful ham actress should spend her time wisely. Kung kami sa kanya, mag-shopping spree na lang siya ng bonggang-bongga until she drops dead!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …