Saturday , November 16 2024

Akihiro, nag-evolve bilang actor sa Born Beautiful

PINAKAMATAPANG at pinaka-challenging na role ang paglalarawan ni Akihiro Blanco sa kanyang character bilang Michael Angelo sa pelikulang Born Beautiful directed by Perci Intalan. Isa siya sa leading men sa movie ng bidang si Martin del Rosario, ang isa pa ay si Kiko Matos.

“Ito ang pinakamatapang at most challenging role ko sa lahat ng mga nagawa ko na. Iba siya kung ikukompara sa mga nagampanan ko na before. Malalim kasi si Michael Angelo rito eh, may pinagdaanan siya sa past niya. And siyempre challenging dahil ang dami naming daring scenes na ginawa rito,” sabi ni Akihiro.

Speaking of daring scenes, paano niya hinarap ang kissing scenes nila ni Martin sa movie? “Actually, first time kong makipaghalikan sa kapwa lalaki. Basta noong makipag-kissing scene ako kay Martin hindi ako nag-toothbrush,” sabay tawa niya. “Kasi sinabi ko sa kanya, ‘Bro, hindi na ako magtu-toothbrush ha, parehas naman tayong lalaki.’ Sabi ni Martin, ‘O sige, okay lang.’ Pero naglabas naman sila ng mouthwash, kaya nag-mouthwash naman kami bago ginawa ‘yung eksena.”

Pero ano ang naramdaman niya sa una nilang take ng halikan? “Ako, honestly kinabahan ako, kasi first time ko ‘yung ganoong eksena sa same sex. Pero sinabi ko ‘pag nag-take kami ni Martin sa unang kissing scene namin, hindi na ako magte-take two, hindi na ako te-take three. Gusto ko ‘pag nag-take kami nandoon na, kung itotodo ni Martin, itotodo ko rin, para hindi paulit-ulit. Mas maganda na ‘yung one time, big time, pero naramdaman mo ‘yung scene para perfect.”

Pero noong tumagal ay naging komportable na sila ni Martin sa kanilang daring scenes. “Nakatutuwa kasi kami ni Martin at saka ni Kiko ‘pag nagkatrabaho kaming tatlo sobrang komportable namin sa isa’t isa. Hanggang sa pagtagal nang pagtagal ng shooting mas lalo kaming nandoon sa character namin. Pero ‘pag offcam na at nasa tent na kami, magkaibigan na lang kami, barkada. Pero ‘pag nasa harap ng camera, ‘pag si Direk Perci nag-action na, roon na kami nag-iiba.”

Ano ang nararamdaman niya na tila mas napag-uusapan ang kissing scenes at daring scenes nila sa pelikula? “Okay lang naman, expected na rin namin. Pero roon niyo masasabi ‘pag napanood niyo ‘yung movie, ‘Ay si Aki ba iyan? Si Kiko ba iyan? Si Martin ba iyan?’ Lalo na ako, ipinakita ko rito sa movie na hindi na ako ‘yung Aki na pacutie-cutie lang sa palabas. Dito sa ‘Born Beautiful’ nag-evolve talaga ‘yung pagiging aktor ko.”

Bumilib naman si Akihiro kay Martin sa pagganap nito bilang transgender na si Barbs. “Si Martin, para sa akin best actor siya rito. Iyon lang ang masasabi ko sa kanya, best actor siya rito. Kasi ‘yung mga pinagdaanan niya rito napakahirap, ‘yung characterization niya, ‘yung pagse-shave at pagwa-wax niya ng mga balahibo niya sa katawan, tapos pagdating niya sa set ready na talaga siya, siya na si Barbs.”

Paano niya ide-describe ‘yung buong Born Beautiful experience niya? “Masaya, sobrang saya. Excited na akong mag-shoot ulit kasama silang lahat. Kasi napakabait sa akin ng buong production, ng co-actors ko, lalo na si Direk Perci siyempre.”

Nagpapasalamat din si Akihiro sa MTRCB dahil sa pag-reconsider sa pelikula nila kaya dalawang versions na ang pwedeng mapanood ng mga tao—R-16 at R-18. Dumami tuloy ang mga sinehan kasama na ang SM Cinemas na magpapalabas sa movie.

Produced by The IdeaFirst Company Inc., Cignal Entertainment, at OctoberTrain Films, ang Born Beautiful ay palabas na sa 169 cinemas nationwide.

ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *