Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Perci, thankful sa MTRCB; Born Beautiful may R-16 at R-18 version

LUBOS ang pasasalamat ni Direk Perci Intalan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagbibigay ng isa pang pagkakataon para muling panoorin at i-review ang pelikula niyang Born Beautiful nitong Lunes, January 21. Binigyan ng MTRCB ng R-16 rating/classification ang pangalawang version na isinumite ni Direk Perci.

Kaya ang masayang balita ni Direk Perci sa mga nag-aabang sa Born Beautiful ay may dalawang version na ipalalabas sa mga sinehan sa pagbubukas nito sa January 23—R-18 at R-16.

“Sobrang happy ako at thankful na willing ang MTRCB to hear us out again and they granted us an R-16 rating para sa pangalawang version ng film na isinumite namin. Thank you to the progressive MTRCB headed by Chairman Rachel Arenas. Two versions na bale ang pelikula, may R-18 at may R-16. Discretion na ng cinemas kung alin ang ipalalabas nila,” sabi ni Direk Perci.

Bago ang second review, umapela sa MTRCB si Direk Perci at ang cast ng pelikula na sana gawing R-16 ang rating nito para mas marami pang mga sinehan ang makapagpalabas at mas maraming tao rin ang makapanood.

Tinatarget kasi ni Direk Perci na maipalabas ang Born Beautiful sa SM Cinemas, na imposible noong una dahil sa R-18 rating. Hanggang R-16 lang kasi ang classification ng mga pelikulang pwedeng ipalabas sa SM Cinemas. Kaya tuwang-tuwa si Direk Perci na nabigyan ng MTRCB ng R-16 ang pangalawang version ng Born Beautiful dahil maipalalabas na ito sa mga sinehan ng SM. Ang R-18 version ay maaari namang mapanood sa ibang mga sinehan.

May kaibahan ba ang dalawang versions? May pinutol ba sa R-16 version? “Actually walang naputol. Exactly the same scenes ang nasa two versions. Nagdagdag bleeps lang ng certain words sa R-16. Pero ako mismo pinanood ko nang buo ang version na ito at masaya pa rin naman panoorin at gets mo ang kuwento at mensahe,” paliwanag ni Direk.

May mensahe rin si Direk Perci sa mga manonood lalo na ngayong may R-16 version na ang pelikula. “Sana panoorin ng lahat ang ‘Born Beautiful’ kasi bukod sa napaka-entertaining niya, mag-iiwan ito sa manonood ng maraming pag-iisipan at pag-uusapan. Promise, sulit na sulit ang bayad nila sa ticket.”

Ang Born Beautiful ay pinagbibidahan ni Martin del Rosario kasama sina Akihiro Blanco, Kiko Matos, Chai Fonacier, Lou Veloso, Elora Espano, VJ Mendoza, at may special participation si Paolo Ballesteros. Produced by The IdeaFirst Company Inc., Cignal Entertainment, at OctoberTrain Films. Ang Born Beautiful ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong Miyerkoles, January 23.

ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …