KAUNA-UNAWA kung nagkakampihan man ang magkakapatid na Falcis.
May “unholy alliance” nga kina, Nicko, elder brother nitong abogado at ang kapatid nitong babae laban kay Kris Aquino.
Oo nga naman, when any member of the family is in trouble ay asahan nang magkakaroon ng kampi-kampihan. Totoo ngang mas malapot ang dugo kaysa tubig.
Nagtataka lang kami sa kakatwang pananahimik sa isang banda ng mga kapatid ni Kris, where are they all along?
Ni isa kasi sa mga kapatid ni Kris hasn’t come forward para depensahan ang kanilang embattled youngest sibling na may sakit na nga’y sangkot pa sa ganitong isyu.
Dahil kaya ni minsan din naman ay hindi nakisali ang mga kapatid, most especially Noynoy, sa mga usaping sangkot si Kris?
Is it because they have so much faith and confidence na kering-keri ni Kris ang kanyang laban?
Magkaiba lang siguro tayo ng pananaw when a family member sets out to war. Kung nangyari kasi sa amin ang parehong kaso, we’ll take the cudgels for our sibling, let him or her stay away from the war zone and us, on the line.
Ang sabi ni Kris, noong time na nag-umpisa ang problema nila ni Nicko, she and her Kuya Noynoy were not on good terms. Immaterial na kung anuman ang dahilan ng kanilang sigalot.
But again, no sibling misunderstanding—sa ganang amin—is bigger kaysa pinagdaraanan ni Kris nitong mga nakalipas na araw, lingo, and even months.
Walang ibang higit na nakakikilala kay Kris—hanggang sa likaw ng kanyang bituka—kundi ang kanyang mga nakatatandang kapatid.
Therefore, if in their heart of hearts ay nasa katwiran—or wala man—Noynoy et al should be the first to come out with their reactions.
Pero waley. Mabuti pa ang magkakapatid na Falcis.
Solid, united and yes, pareho-parehog palaban at walang inuurungan.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III